12/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | Agosto 11, 2026
Sa loob ng higit dalawang dekada, nagbunga at lumaganap sa isang tahimik na parokya na matatagpuan sa Masambong, Lungsod Quezon, ang debosyon sa isang santa na piniling limutin ng simbahan bunga ng kakulangan ng patunay ng kanyang buhay. Gayunpaman, patuloy na namimintuho ang daan daang deboto niya buhat pa sa iba't ibang bahagi ng bansa. Si Santa Filomena'y isang griyegong princesa na namuhay sa kabanalan sa gitna ng pang-uusig ng mga paganong Romano lalo't higit ng emperador nitong si Dioklesyano. Nagdaan siya sa iba't ibang hirap at pinakatanyag dito ang pagtapon sa kanya sa ilog matapos isabit ang angkla sa kanyang leeg. Kilala bilang "Taumaturga," maraming deboto ang nagpatotoo sa kanya bilang mahusay na tagapamagitan.
Santa Filomena, Virgen y Martir,
Ruega por nosotros!