17/04/2026
last day of school @ King Solomon Institute, Inc. Study At King Solomon
"napakabilis ng panahon kelan lang karamihan sa atin ay hindi pa magkakilala, hanggang sa paglipas ng panahon unti-unti nabuo ang mga pagsasamahan... mga istorya ng mga pagkakaibigan at mga umusbong na PAG-IIBIGAN.. Ngayon ito na ang huling araw, mga huling sandali at pagkakataon na tayo ay magkakasama..huling kalokohan huling tawanan huling kantahan huling tuksohan huling asaran at maaring huling iinisan..at kasama ng mga unang nabuo nating mga ala-ala ang huling araw na ito ay kasama ng mauukit bilang huling pahina ng mga makukulay nating kwento sa ilalim ng iisang bubong, nakakalungkot ngunit kailangan na nating yakapin ang nakatakdang paalam tungo sa bungad ng panibagong paglalakbay at tulad ng sarangola tayo ay nakatadhanang i-angat ng nagpupursigi nating adhikaing amihan upang lumipad tungo sa langit ng nag-aapoy(kahel) nating mga pangarap at kung saan man tayo mapadpad ay ito ang lagi nating pakakatandaan makatagpo man tayo ng mga bago laging walang kapalit ang mga naunang kaibigan.....