19/08/2024
Ito na ang "What I learned in 2023" post. Nawala kasi yung isang account ko na may naka-post na 2022 di ko tuloy ma reshare.
After computing finances, checking the system progress, checking the quality of clients, my communication/relationship with clients, and checking the quality of my work for the year of 2023. Ito ang mga natutunan ko na pwede ko ishare sa inyo. 👇🏻
Finances:
You don't need to be so expensive or magbaba ng sobrang baba na rate to grow your earnings at kung ang habol mo lang for now is sustainability. You just need a fair price at maging intentional sa ginagastos mo sa business. At aminado ako na I need improvement sa paghandle ng expenses at iwasan ang impulsive decision making. Ako narin nagsasabi di mo kelangan ng 200 bookings in a year para maging sustainable, nagawa ko siya sa 73 clients tapos may mga repeat clients pa ako jan for sure kaya mo rin yan.
System:
Ito malaki naging improvement ko yung magkaroon ng system in place. Sobrang laking tulong nito sakin mapadali ang buhay ko at buhay ng mga nag-inquire. It is so organized na tipong ilang beses pa ako nakatanggap ng good feedback sa mga clients.
Saka nasasala talaga yung hindi mo target market. Kaya aralin nyo rin yung better system na tingin nyo mag-work sa inyo. Kasi kung gagayahin nyo yung sakin tapos di pala ubra sa business mo magsasayang ka lang ng pagod.
Communication and Relationship:
Malaki din naging improvement ko dito, kasi noong 2022 ang mindset ko is basta magkaroon ng pumapasok na client okay na kahit hindi bumalik. Year 2023 ako nag start mag-aral how to build professional relationship with clients and apply it sa BKS. Sa ganitong way ako nagkakaroon ng solid portfolio, genuine feedback, and literal na gumagana ang overall marketing strategy without paying ads.
Repeat clients ang pwede bumuhay sa business mo. Iwasan mo ang mga "me, me, me" na sagot sa client, mag-isip ka paano mo matutulungan yung mga clients mo makita yung value mo without hard selling.
Quality of work:
Hindi lang ito tungkol sa progress mo ng technical skills kundi sa overall workflow mo. Once pumasok ang client sa studio, I am in the zone and nag iisip na ako how to make this client become part of my list ng loyal clients. Pero syempre hindi lahat ma-please mo and that's okay. I can definitely say na from an introvert malaki ng naging improvement ko dito. Makikita naman yan sa mga feedback ng clients ko, di ko need na magbuhat ng bangko para bigyan kayo ng proof. 😅
Continuous learning and improvement kahit sa maliliit na bagay lang ay napakahalagang part ng 2023 ko sa pag-handle ng BKS. I still have room for improvement and be more intentional when it comes to finances.
Cheers to 2023, give our best hanggang matapos ang 2024, and I can't wait to accept more challenges sa year 2025! 😌🙌🏻