21/09/2025
đđđđ§đ˘đĽđŹđđ | Limampuât tatlong taon na ang nakalipas mula noong unang i-proklama ang isang batas na nagbunga sa isa sa pinakamadilim na kabanata sa kasaysayan ng Pilipinasâang deklarasyon ng Batas Militar o Martial Law. Ika-21 ng Setyembre, 1972 nang lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081. Ngayong araw, ginugunita ang ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, bilang pag-alala sa isang delubyong hinding-hindi dapat malimutan ninumanâisang sugat na mananatiling sariwa kahit ilang dekada pa ang dumaan.
Kahit sa kasalukuyan, nananatiling buhay ang anino ng diktadurya mula sa dating administrasyonâisang Marcos ang muling naka-upo sa tuktok ng tatsulok. Mula sa tiba-tibang pagnanakaw sa kaban ng bayan, hanggang sa salapilitang pagpapatahimik sa mga nagtangkang sumigaw para sa kalayaan, nagsisilbing paalalaâbabala ang petsa ng Setyembre 21, isang panata upang huwag kalimutang, ikubli at huwag nang maulit muli ang bangungot ng Batas Militar Mula sa mga diktador na dating lumapastangan sa sagradong demokrasya ng Pilipinas.
Ayon sa Amnesty International, mahigit 70,000 katao ang inarestoâkaramihan ay walang warrant of arrest. Humigit-kumulang 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa ilalim ng Batas Militar ng rehimeng Marcos. Sa isang brutal na pahina ng kasaysayan, libo-libong biktima ang nakaranas ng pag-aresto, pag-torture, pagpatay, panggagahasa, pambababoy sa karapatang pantao. Lahat ng ito, naganap sa ilalim ng kapangyarihan ng iisang tao lamangâang Pangulo. Ito ba ang tinuturing nilang bayani?
Bagamat malinaw na ebidensya, may mga sumusubok pa ring ipinta si Marcos bilang bayaniâisang pagtatangkang mabaluktot ang katotohanan. Ngayon, sa panahon ng social media, lalo pang lumawak ang pakikidigma ng masa laban sa mga korap na pulitiko at mapang-abusong opisyal ng gobyerno na hindi na nawala sa Pilipinas mula noon, hanggang ngayon. Malaki ang papel na ginagampanan ng kabataan sa henerasyong ito, lalo na bilang katalista ng pagbabago.
Ngayon, higit pa sa kahit anong panahon, mahalaga ang unityâisang pangakong hindi natupad ng tamabalan nina Pangulong Ferdinand âBongBongâ Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte. Hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo pa kung wala naman siyang ginawa bukod sa tama at dapat. Kaya naman sa mga pamilya ng mga Marcos, isa lang ang panawagan ng taumbayan: Hustisya, pananagutan.
Marahil ay may ilang nagsasabi na nakinabang naman ang bansa sa naging pamamalakad ni Marcos. Maraming imprastraktura ang naipatayo, mga programa para sa sektor ng agrikultura, pinalawak na akses sa edukasyon at pinatibay na seguridad at kapangyarihan ng militar. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mas nananatiling matingkad ang mapapait na alaala ng kasakiman, kasamaan, at kalupitan ng rehimeng Marcos. Anumang pinabangong legacy ang iniwan ni Marcos, mananatili itong walang saysay sa harap ng libo-libong buhay na sinira at kinitil ng pinirmahan niyang dokumento.
Hindi pwedeng puro imbestigasyon at hearing lang, dapat may managotâdapat may malinaw na direksyon at progreso. Mapait at masakit man, hindi dapat kalimutan ang mga karanasan ng inosenteng biktima na nahulog sa bitag ng Batas Militar. Bata man o matanda, dapat maging alerto, may kaalaman, at may kamalayan upang mapigilan ang posibilidad na maghari muli ang halimaw mula sa nakaraan.
Sa huli, hindi lang selebrasyon ng kalayaan ang pag-gunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Pagkilala rin ito sa katapangan at kagalingang ipinamalas ng mga ninuno natin noonâmga bagay na kailangan natin para sa tunay na Bagong Pilipinas.