07/07/2019
Some people say " Habang tumatanda tayo, mas lumulungkot ang mundo"
Yan ay isang katagang nabasa ko sa isang artikulo,
Hindi ko sya maintindahan, to the point na nagtanong na ako sa ibang tao
Sabi nila "totoo" Sabi nila "Depende sa pinagdaanan mong proseso"
Para sa akin ay mahirap syang intidihin
Dahil ako ay isang bata pa lamang, isang musmos na puro kasiyahan, walang bigat na nararanasan at puro positibo aking nasasaksihan.
Hanggang sa nagising nalang ako isang umaga
Nakabungad sa akin ang cake na binili nila
liwanag nang kandila aking nakikita
Ako palay patanda na.
Bumungad sa akin ang totoong mundo
Nakakilala ako ng maraming tao
Naging masaya at lalong naging positibo
Sa aking paghiga sa aking higaan
Naisip ko na baka ang nabasa ko ay walang katotohanan
dahil bakit ngayon akoy matanda na di ko naman nararanasan
Ang sinasabing hagupit ng kasalukuyan
Tila kay bilis ng paglipas ng panahon, kahapon lang ay natanggap namin ang diploma
at tignan nyo ngayon kami ay nagtatrabaho na
Kaarawan ko nga pala ngayon, Pero bakit nakaka panibago
Dati rati pag mulat ko nakabungad na agad sa akin maraming tao
bakit ngayon ni isa walang dumalo? asan kayo?
Ah siguro, may kanya kanyang pinag kakaabalahan kaya itong kaarawan ko di nila natandaan.
Nakakalungot nga pala! Nakakalungot nga naman!
Lumipas ang aking kaarawan na parang ordinaryong araw nalang
Bumangon ako at pinagpatuloy ang buhay.
Lumabas ako sa bahay ng positobo pero umuwi ako ng tila tinaboy ng bagyo.
Ngayon ko lang nalaman na kapag tumatanda ka na ay mas tumataas ang expectation sayo ng tao, Nagtatrabaho ka na nga may nasasabi parin sila sayo.
Dati rati naglalaro lang ako maghapon, pero okey naman
bakit ngayon parang ang daming mata ang sa akin ay nagmamanman
Dati rati kapag natalo ako ng mga kalaro ko ay walang bigat na nararamdaman
Pero bakit ngayon kay bilis nila akong Husgahan
Sa Siyam na tamang ginawa ko, ay ni isa wala silang napansin
Pero sa iisang maling nagawa ko kulang nalang akoy kitilin
Pero tumuloy pa rin ako. Naglakad lakad at sumabay sa himig ng dadamdamin ko
Inasahan kong makakasama mga kaibigan ko
Para naman mabawasan bigat na nararamdaman ko
Pero teka, maalala ko, distansya nga pala namiy kilo kilometro
Hindi na nga pala kami tulad ng dati
na isang tawag mo lang ay andyan na sa iyong tabi.
Gumising nalang ako na ang buhay ko ay di na tulad ng dati.
Dati kahit kumain lang ako at matulog walang nasasabi ang tao
Pero ngayon makita lang nila akong tambay akala nila pariwara na akong tao
Dati inaabot ako ng gabi sa paglalaro
Ngayon inaabot ako ng umaga sa katatrabaho
Dati piso lang na halaga ng pera masaya na ako
Pero ngayon libo na halos di pa ko makuntento
Dati palagi akong hatid sundo ng tatay ko
Ngayun papunta at pauwi nag iisa ako
Sa aking pag uwi, di pa pala tapos ang problema
Bakit pati ang dating masaya ngayon ay malungkot ng pamilya
Kaya akoy nag tungo sa aking kwarto, Sa aking pagkakahiga ay maraming naisip na negatibo
Yung dating nabasa kong artikuko ay kasulukuyan kong nararamdaman
Ito ba ang hagupit na nabasa ko nung nakaraan?
Ito na ba yun? May sasakit at bibigat pa ba dito? Bakit parang nagsama sama na
Bakit parang lahat ng problema nasalo ko na?
"HINDI LANG PALA PALUNGKOT ANG BUHAY HABANG PATANDA KA, PAHIRAP DIN ITO AT SUSUBUKAN KA KUNG ITOY KAYA"
Ang bigat, ... ang sakit ..
NGAYON MAS GUSTO KO NALANG BUMALIK SA BATANG AKO,
MASAYANG NAGLALARO AT DALAY POSITIBO
HINDI PALA LAHAT NG NAKARAAN DAPAT NALANG KALIMUTAN, MINSAN ANG NAKARAAN NATIN ANG MAS MASAYA PANG BALIKAN
Ngayong gabi akoy susuko
Ipipikit ang mata na luha'y tumutulo
Aakapin ang katotohanang akoy nabigo
PERO SA PAG GISING KO, TANDAAN MO,
MULI AKONG BABANGON AT LALABANAN ANG MALUPIT NA MUNDO
BABAGUHIN KO ANG IYONG PERSPEKTIBO
NA ANG BUHAY AY MASAYA SIMULA SA UNANG ARAW NA SINILANG KA HANGGANG SA IYONG HULING HININGA.
Laban lang 😉
~ M.Pinkay 🌼