01/01/2023
‘HANAPIN MO KUNG PARA SAAN KA’
Isang nakaka-antig damdamin na kwento ang ibinahagi ng dating fast food crew at ngayo’y videographer na si Brent Bryle tungkol sa kaniyang mga pinagdaanan sa buhay.
“Dati wayback 2013 highschool days ako nahilig sa video editing, di pa uso Tiktok and mobile editing nung panahon na yun. Ang tanging gamit ko lang eh yung binili ng nanay ko na 2nd PC galing sa nagsaradong computer shop, kami ng mga kaibigan ko ay mahilig gumawa ng videos and inuupload namin ito sa Youtube (kahit di pa uso vlogging sa pinas) then nangarap din ako kumuha ng kurso na Fine Arts or Multi Media Arts, kaso nung panahon na yun di ako kaya pag-aralin sa Maynila ng magulang ko kaya nag-aral ako ng electronics technology sa University of Rizal System,” kwento nito sa PSND.
“2015 nagdecide ako maging isang working student kaya nagtrabaho ako sa Mcdonald’s Tanay Rizal bilang kitchen staff, 2018 narealized ko na hindi nako para sa trabahong yun and ayoko magstay sa ganung work kaya nagresigned ako, nai-pursue ko yung passion ko sumugal ako, nangutang ako sa kaibigan ng nanay ko na nasa abroad ng 12k para ipambili ng 2nd hand camera (canon 600d) old model na siya, at computer na 2nd hand din worth 10k para pang edit, nung panahon nayun sumasama ako sa kaibigan ko si Kim Andaya para matuto sa pagshooshoot ng events, hanggang sa naging freelance nako tumatanggap nako ng clients nagstart ako sa 1k TF then nakaipon ako and nai-invest ko sa mga workshops ng photography and videography, nagworkshop din ako sa video editing and mas nag-focus ako dun, na-hire ako sa isang malaking cosmeceutical company bilang multi-media artist,” saad pa niya.
Ibinahagi pa ni Brent na kung noon ay kumikita ito ng P4,000 bilang fast-food crew, ngayon ay kumikita na siya ng P30,000 - P60,000.
“From 4k salary monthly sa fastfood eh kumikita nako nun ng 30k monthly sabay ang work sa freelance, then nung nabuild up ko na yung experience ko and nagkaroon nako ng matatag na portfolio ay nagdecide ako magresign, at naging independent contractor ako, tumatanggap ako ng clients US bilang video editor nila tumatanggap nadin ako ng mga sikat at kilalang content creators para i-edit ang mga vlogs nila, nakakakuha din ako ng shoots sa mga celebrities and Social Media influencers and kumikita nako ng 40k-60k,” dagdag pa nito.
“Kaya nung nag-throwback yung litrato kong nag-wo-work ako sa fast food eh nai-post ko dahil natuwa at naging proud ako sa sarili ko na tama mga naging desisyon ko na “kung ramdam mo na hindi kana para dyan, give up mo and hanapin mo kung para saan ka ba talaga” ikaw lang talaga ang didiskubre nun,” pagtatapos niya.
(📷Brent)