15/04/2026
HUWEBES NA PAMIMINTUHO KAY STA. MARIA MAGDALENA
Panalangin kay Sta. Maria Magdalena
O minamahal naming Maria Magdalena, Isinugo ka ng Panginoong Jesu-kristo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kanyang Muling Pagkabuhay at ang dulot nitong kaligtasan sa lahat ng tao. Idalangin mo sa Panginoon na aming matamo ang biyaya ng tunay na pagkakilala sa Kanya at sumaamin ang Kagandahang-loob ng Diyos upang mahalin namin Siya katulad ng pagmamahal na iniukol mo sa Kanya. Ipanalangin mo rin na aming matamo ang biyayang ito (banggitin ang biyaya na nais makamit). Sa tulong ng iyong panalangin, ang mga biyaya na aming hinihiling ay magpasigla nawa sa aming puso upang mapaglingkuran din namin Si Jesu-kristo at luwalhatiin ang Ama sa patnubay ng Espiritu Santo ngayon at hanggang sa buhay na walang hanggan. Amen.
1 Ama Namin
1 Aba Ginoong Maria
1 Luwalhati
Sta. Maria Magdalena,
Apostol sa mga Apostol
Ipanalangin mo kami.