01/05/2026
Ang mga mangagawa ay parang isang mga manunulat, at ang kanilang mga tintang ginagamit ay ang kanilang mga pawis at dedikasyon.
Mula sa kanilang mga kwento ng pangarap hanggang sakanilang mga tagumpay. Ang kanilang paglalakbay ay puno ng makukulay na kwentoโmga kwentong nagsilbing inspirasyon sakanilang pagpapatuloy. Hindi nasusukat ang kanilang halaga sa dami ng oras na iginugugol nila sa kanilang mga trabaho, kundi sa dami ng mga buhay na kanilang napasaya at nabago.
Sila ang mga patunay na hindi lamang makikita ang sining sa pagguhit, pagsulat at mga kulay, kundi pati na rin sa ating pagkakaisa sa pagpapatakbo ng ating lipunan.
WORDS | Margaret Louise Narciso Soriano