18/04/2026
SKL
Sariling pananaw lang to ah:
Hindi sa pagiging maluho (minsan)
pero minsan hayaan mo ma experience yung "maganda at masarap na buhay" kahit isang araw lang (Kung kaya) kumain ka sa masarap, mag MAGNUM ka! hehe, Bumili ka ng gamit na makakapagpasaya ng damdamin mo, mag SHOPEE ka! O kaya mamasyal ka (subok lang) manood ka ng sine yung reserved seating ek ek! kung kaya out of town TARA SWIMMING 😊 shempre example lang yan depende sa budget, pero alam nyo na ibig kong sabihin hehe.
Kasi pag nagawa mo yun at na experience yung ganong klase ng pamumuhay,
yung consciousness mo mas magiging malawak para pipiliin mong mag sipag at mag sumikap palagi para ma experience ULIT yung mga bagay na MAGANDA at MASAYA. hindi masamang mangarap ng mataas minsan lalo na pinag susumikapan mo naman talaga makawala sa hirap ng buhay.
sabi nga nila pag natikman mo yung tagumpay kahit sa maliit na bagay maadik ka sa resulta at hindi kana papayag mawalan ulit, gagawa't gagawa ka ng paraan na hindi na bumalik pa sa mahirap na sitwasyon diba? Yun lang...
MAGANDANG ARAW SA INYO ❤️🔥💪🏽