03/06/2026
'Gaano mo kamahal yung pamilya mo?'
Siguro hindi mo talaga masasagot 'yan
hangga't hindi mo nararanasan yung mga gabing gising ka pa habang tulog na silang lahat, iniisip kung paano ka magiging mas matatag para sa kanila.
Yung tipong may sarili ka ring pagod, sariling problema, sariling lungkot, pero tinatago mo kasi ayaw mong dumagdag sa bigat na dala nila. Minsan hindi kayo perpekto, may sigawan, may tampuhan, may mga salitang hindi nasabi at may mga pagkakataong pakiramdam mo hindi ka nalintindihan—pero sa kabila ng lahat, sila pa rin yung lugar na gusto mong balikan. Nakakalungkot isipin na habang lumilipas ang panahon, hindi mo namamalayan na unti-unti palang nagbabago ang lahat. Yung mga magulang na dating malakas, napapagod na rin. Yung mga kapatid na dati laging nasa tabi mo, unti-unti nang magkakaroon ng sariling mundo. At darating yung araw na hindi na pareho yung bahay, hindi na pareho yung ingay, hindi na pareho yung pakiramdam. Kaya minsan naiiyak ka na lang hindi dahil may nangyaring masama-kundi dahil natatakot kang dumating yung araw na gusto mo pang ibalik yung dati pero hindi na pwede. Kaya mahal ko ang pamilya ko hindi dahil perpekto sila, kundi dahil sila yung naging tahanan ko kahit ilang beses akong mawala sa sarili ko. At kung may isang bagay akong gustong hindi magbago sa buhay... yun yung magkaroon pa ako ng mas maraming oras para sabihin sa kanila na mahal ko sila
habang nandito pa sila.