Teacher Ashy

Teacher Ashy "Good Heart Always Suffer"

13/01/2026

At darating ’yung araw na matututo kang sukatin ang sarili mo hindi sa bigat na kaya mong buhatin, kundi sa gaan na kaya mong tanggapin.

Kaya kapag mabigat sa puso, bitawan mo. Hindi dahil mahina ka, kundi dahil alam mong mas may puwang ka sa isang lugar na para sa iyo talaga.

CTTO
13/01/2026

CTTO

"Sa gitna ng trapiko"

Nandito ka na naman sa gitna ng trapiko.
Pinagmamasdan ang bawat pasahero.
Mayat-maya ang pagtingin sa suot na relo
Marami sa kanila ay mainit na ang ulo.

Lumipas na ang ilang minuto—
Mabagal pa rin ang takbo.
Halos hindi umuusad—walang pagbabago.
Lahat ay apurado.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan mo.
Ayaw mo nang magreklamo
Batid mong may mga bagay na hindi mo kontrolado.
Nauunawaan mo nang gaano man kabagal ang pag-usad ay makararating din sa lugar na nais mo.

Hindi ito tungkol sa mabagal na pag-usad ng trapiko.
Kuwento nating lahat ito.
Lahat tayo ay nagmamadaling manalo.
Gaano man kabagal ang pag-usad, maalala sana nating lahat na makararating din tayo sa dulo.

—iampeterpen

Photo from pinterest.

CTTO
13/01/2026

CTTO

Wala kang ganap na kaalaman
sa buhay na aking tinatahak
sapagkat hindi ikaw — ako.
Hindi mo batid ang bawat sakit,
ang bawat tahimik na laban
na araw-araw kong nilalabanan.

Kaya’t bago mo ako husgahan,
damhin mo muna
ang lahat ng aking pinagdaanan.
Lakbayin mo ang landas
na ako lamang ang tunay na nakaapak.
At saka mo sabihin
kung ano ang tama at mali sa aking pagkatao.

Ito ang buhay ko—
hindi perpekto, ngunit totoo.
At bawat hakbang ko’y may dahilan,
bawat katahimikan ko’y may kuwento,
bawat paghinga ko’y isang pagpili
na patuloy na lumaban, kahit mahirap.

*** Mark Nieto 01/11/26

13/01/2026

Mas ayos nang wala akong nababalitaan, wala akong kailangang marinig, wala akong kailangang intindihin. Wala akong kailangang pagtakpan sa sarili.

Mas ayos nang wala akong alam, dahil sa tuwing may nalalaman ako, may nabubuhay na parte kong dapat nang patay. At sa bawat balitang dumaraan, ako lang din ang nasasaktan.

Kaya hayaan ninyo na lang na tahimik ako, hayaang huwag kumibo,

hayaang huwag umimik. Dahil minsan, ang hindi pag-alam ay ang tanging paraan para makalimot

03/09/2025
03/05/2025

😆🖐️

03/05/2025

Address

Malaybalay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Teacher Ashy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share