31/12/2023
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐โผ๏ธ
Ngayong gabi ng pagdiriwang ng bagong taon ay ang deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa consolidation ng prangkisa ng mga PUV nakapaloob dito ang jeepney sa Pilipinas. Ito ay bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno na layong pagandahin at gawing eco-friendly ang tradisyunal na jeepney. Subalit, maraming driver at operator ang nag-aalala sa pagkawala ng hanapbuhay dahil sa mataas na gastos ng modernization, na umaabot ng Php 1.5 milyon hanggang Php 3 milyon na syang maaaring mag pabaon ng utang sa kukuha ng mga modernong sasakyan.
Ang phaseout ng mga traditional jeepney ay magdudulot ng malaking epekto hindi lamang sa 200,000 manggagawang pang-transportasyon at 600,000 kabataan na umaasa dito, kundi pati na rin sa 285 milyong pasahero. Ang mataas na presyo ng modernized jeepneys ay magiging pasanin sa mga operator at driver, at maaaring magresulta sa pagtaas ng pasahe mula sa 25-30 piso.
Sa ngayon, maraming jeepney ang hindi papayagang mag-operate dahil sa unconsolidated na prangkisa bago ang deadline. Ang aprubadong ruta para sa modernong jeepney ay limitado sa 9.5%, na nagpapakita ng kawalan ng kahandaan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng programa na ito.
Bagamat pinapayagan ng LTFRB ang mga ruta na may kulang sa 60% na consolidation na mag-operate hanggang Enero 31, 2024, para sa mga jeepney na hindi nakapag-consolidate. Hindi ito sapat para masolusyonan ang karamihan sa kahaharapin pagkawala ng kabuhayan ng mga nasa transport sektor kahit isama pa ang mga equity subsidy, Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lalo na at walang kasiguraduhan ang bill na naka binbin sa kongreso. Sa kabuuan, ang PUVMP, bagamat layuning mapabuti ang transportasyon, ay may malaking epekto sa hanapbuhay ng maraming sektor ng lipunan, at nagpapakita ng mga hamon at kakulangan sa implementasyon ng programa.
Nawa'y magkaroon ng makataong implementasyon ng programa ang pamahalaan. Hindi sangay ng moralidad ng tao na gawing sakripisyo ang hanapbuhay ng mga nasa sektor ng transportasyon, para lang sa pansarili, politikal, at monopolyong interest ng iilan.
Mahalaga ang pangangalaga ng kapaligiran at kaginhawahan sa pagsakay, ngunit hindi sana ito gamiting kaisipan upang tanggalan ng karapatan magkaroon ng kabuhayan ang mga tsuper at operator. Hindi lahat ng tsuper na nakikita ko ay may sapat na lakas, education, o opurtunidad para makahanap ng bagong maaasahang trabaho, na tutugon sa pangangailangan ng kanilang pamilya, karamihan sa kanila ay may eded na. Magkaroon sana ng consideration ang mga kinauukulan, upang mas mabigayan pa ng pagkakataon, ang mga nasa sektor ng transportation ng makatarungang panahon, at gobyernong pagsuporta sa pag-moderno ng sakayan, at karapatan sa sarili nilang prangkisa na kanilang ginagamit panghanapbuhay. Isa alang-alang din sana ang pagtangkilik ng sariling produksyon ng mga modernong sasakyan, kaysa dumeretro sa mga malalaking korporasyon sa ibang bansa biglang pag tangkilik sa sariling atin.
Kung ipipilit ng pamahalaan ang pampalubag-loob na solusyon para sa PUVMP, isa itong programang papatay ng oportunidad sa mga kabataan at mga pamilyang umaasa sa ganitong hanap buhay. Pasakit para sa mananakay. Pahirap para sa pang bansang manupaktura. Wag na sana itong dumagdag pa sa sangay ng issue panglipunan. Naniniwala akong kaya itong solusyunan kung iisantabi ang pansarili, politikal, at monopolyong interest. Ngayong bagong taon nawa'y isasa alang-alang ang etika para sa karapatang mabuhay sa pamamagitan ng hindi pwersahang pagtanggal ng hanapbuhay.