12/02/2025
// Ang Tilaok sa Liwayway at Dapit-hapon.
Nakatambay nuon sa Sunset Studio, muni-muni at pinaguusapan kung pano uumpisahan yung Sunset Studio Podcast ( https://surl.li/sabpdg ).
Nagppractice sketch lang si .tattoo gaya nang nakagawian kapag hindi busy ang araw.
Mads : “Tatuan kita tito.”
Maqui: “Oo ba.”
Casual at walang isip isip.
Bihira ako magpagawa nang walang input sa design, pero dahil wala rin naman nasa isip na magarbo, nauwi kami sa flash nya na kalapati.
Ang tangi lang naidagdag na gusto ko eh yung Fibonacci Sequance na diagram line. Ang problema di lumapat dun sa unang flash na kalapati. Kaya naghalungkat pa nang design na mas papatag.
Sa ending, nahalungkat ang mga manok na nagtotorotot. Ang mga manok ng sunrise at sunset. Ang mga tilaok sa liwayway at dapit-hapon.
Diba mas sexy at romantic pag Pilipino. Hehehe.
Sa pandulo.
Oo, hindi nag gglow-in-the-dark mga tinta ko.
Oo, hindi ko siya pinabura.
Oo, pwede pala yun.
Ilan lang sa usual na sagot sa mga tattoo ko. Hahaha
Ngapala. Parating na yung Episode 2 namin sa podcast. Pandugtong lang sa naumpisahan.
Libre lahat nang kwentuhan sa
Youtube : https://surl.li/sabpdg
Spotify : https://surl.li/zanrow
Wala ka iba gagawin kundi mag-Subscribe, kung trip mo mag-Comment ka narin para alam namin mga adjustment para pwede pang pagandahin.
Pwede mo rin i-Share sa nanay mo, para madaling magexplain ng kalokohan mo sa balat. Hehe
Sakto yan paisaisang oras sabay sa ikot mo nang labada.
Sangkatutak na salamat agad! Huhah!