Matatanaw

Matatanaw Sa bawat tanaw, may kwento โ€” at sa likod ng bawat kwento, may buhay.

The Untold Stories of Street Vendors of Novaliches: https://drive.google.com/file/d/1jquLt3epZytEn4_TGd23eX0zU9lkgln6/view

๐Ÿ“ธ Kilalanin si Tatay Mikael LakmanSa edad na 62, si Tatay Mikael Lakman ay dalawampung taon nang nagsisikap bilang stree...
17/05/2026

๐Ÿ“ธ Kilalanin si Tatay Mikael Lakman

Sa edad na 62, si Tatay Mikael Lakman ay dalawampung taon nang nagsisikap bilang street vendor sa bangketa. Sa simpleng pagtitinda ng sigarilyo at kendi, umaasa siyang kumita ng sapat upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang dalawang anak sa kolehiyo.

Para kay Tatay Mikael, ang panahon ang isa sa pinakamalaking hamonโ€”kapag umuulan, halos wala ring kita. Bukod dito, kailangan din niyang tiisin ang matinding init at ang banta ng mga enforcer upang hindi makumpiska ang kanyang paninda. Sa kanyang edad, naniniwala siyang mahirap nang makahanap ng ibang trabaho kayaโ€™t patuloy siyang kumakapit sa pagtitinda bilang tanging paraan upang maitaguyod ang kinabukasan ng kanyang pamilya.

Sa kabila ng hirap at panganib sa araw-araw, hindi siya sumusuko. Patuloy siyang lumalaban dala ang pag-asang balang araw ay magiging sulit ang lahat ng kanyang sakripisyo para sa kanyang mga anak.

โœจ Basahin ang buong kwento ni Tatay Mikael at ng iba pang street vendors sa aming photobook na The Untold Stories of Street Vendors of Novaliches.

๐Ÿ’› Sama-sama nating kilalanin ang tibay at sakripisyo ng mga street vendor na patuloy na lumalaban para sa pamilya at pangarap.

๐Ÿ“ธ Kilalanin si Aling Gina SungaSa loob ng 28 taon na pagtitinda sa Nova Proper, naging saksi si Aling Gina Sunga sa hira...
15/05/2026

๐Ÿ“ธ Kilalanin si Aling Gina Sunga

Sa loob ng 28 taon na pagtitinda sa Nova Proper, naging saksi si Aling Gina Sunga sa hirap, sakripisyo, at walang sawang pakikipaglaban para sa kanyang pamilya. Sa edad na 50, pasan niya ang responsibilidad para sa kanyang walong anak habang hinaharap ang matinding utang, altapresyon, at sakit sa thyroid.

Sa kabila ng usok, trapiko, at pangamba sa mga enforcer at pagkakakulong, patuloy siyang nagsusumikap upang may maihain na pagkain at makabayad sa araw-araw na utang. Bagamaโ€™t lima na sa kanyang mga anak ang nakapagtapos, masakit para sa kanya na mapilitang huminto sa pag-aaral ang kanyang anak na Nursing dahil sa kakulangan sa tuition.

Higit sa lahat, ang nais lamang ni Aling Gina ay dignidadโ€”isang legal at maayos na pwesto kung saan hindi na niya kailangang tumakbo o matakot, at kung saan maipagpapatuloy ng kanyang mga anak ang kanilang mga pangarap.

โœจ Basahin ang buong kwento ni Aling Gina at ng iba pang street vendors sa aming photobook na The Untold Stories of Street Vendors of Novaliches.

๐Ÿ’› Sama-sama nating kilalanin ang tibay, sakripisyo, at pangarap ng mga taong patuloy na lumalaban sa kabila ng hirap.

Kilalanin ang mga magigiting na street vendors ng Novaliches. Alamin ang kanilang kwento ng sipag, tiyaga at pag-asa sa ...
01/05/2026

Kilalanin ang mga magigiting na street vendors ng Novaliches. Alamin ang kanilang kwento ng sipag, tiyaga at pag-asa sa aming libro na pinamagatang; The Untold Stories of Street Vendors of Novaliches.

๐Ÿ“ธ Kilalanin si Nanay ImeldaSa edad na 65, si Nanay Imelda ay patuloy na lumalaban sa gitna ng matinding kahirapan sa Nov...
20/04/2026

๐Ÿ“ธ Kilalanin si Nanay Imelda

Sa edad na 65, si Nanay Imelda ay patuloy na lumalaban sa gitna ng matinding kahirapan sa Novaliches, kasama ang kanyang 76-taong gulang na asawa. Sa kabila ng pagkawasak ng kanilang tahanan at kawalan ng kuryente, umaasa lamang sila sa isang maliit na stroller at kariton upang maghanapbuhay araw-araw.

Ang bawat araw para kay Nanay Imelda ay isang pakikipagsapalaranโ€”mula sa pag-iwas sa clearing operations hanggang sa pangangalakal ng basura kapag hindi sapat ang kita, makabili lamang ng kaunting bigas para sa kanilang pagkain. Naranasan na rin niya ang mga panganib sa kalsada at banta ng baha, ngunit nananatili siyang matatag para sa kanyang asawa.

Sa kabila ng lahat, ang tanging hiling ni Nanay Imelda ay hindi ituring na sagabal ang mga tulad niyang nagtitinda para mabuhay, kundi mabigyan ng pagkakataon at sapat na tulong upang maranasan ang kahit kaunting ginhawa sa buhay.

โœจ Basahin ang buong kwento ni Nanay Imelda at ng iba pang street vendors sa aming photobook na The Untold Stories of Street Vendors of Novaliches.

๐Ÿ’› Sama-sama nating pakinggan at pahalagahan ang mga kwentong madalas hindi nabibigyang pansin.

๐Ÿ“ข ๐€๐•๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐‹๐„ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐„-๐๐Ž๐Ž๐Š!Ipinagmamalaki naming ibahagi ang ๐“๐ก๐ž ๐”๐ง๐ญ๐จ๐ฅ๐ ๐’๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ญ ๐•๐ž๐ง๐๐จ๐ซ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐๐จ๐ฏ๐š๐ฅ๐ข๐œ๐ก๐ž๐ฌ โ€” isang p...
19/04/2026

๐Ÿ“ข ๐€๐•๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐‹๐„ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐„-๐๐Ž๐Ž๐Š!

Ipinagmamalaki naming ibahagi ang ๐“๐ก๐ž ๐”๐ง๐ญ๐จ๐ฅ๐ ๐’๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ญ ๐•๐ž๐ง๐๐จ๐ซ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐๐จ๐ฏ๐š๐ฅ๐ข๐œ๐ก๐ž๐ฌ โ€” isang photobook na naglalahad ng tunay na kalagayan, mga pagsubok, at katatagan ng mga street vendor sa pamamagitan ng visual na kwento.

Sa likod ng bawat larawan ay isang kwento ng pagsusumikap, sakripisyo, at laban sa araw-arawโ€”mga kwentong madalas hindi napapansin. Layunin ng proyektong ito na mabigyan sila ng boses at maipakita ang kanilang mga hamon sa buhay.

๐Ÿ“– I-scan ang QR code

Maraming salamat po sa inyong suporta. Sa inyong pag-share, mas marami pa pong makakarinig ng kanilang mga kwento.

๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐๐ฎ๐›๐จ๐ฒSi ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐๐ฎ๐›๐จ๐ฒ, 29 taong gulang, ay isang matatag na street vendor sa Novaliches na anim na taon n...
14/04/2026

๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐๐ฎ๐›๐จ๐ฒ

Si ๐Š๐ฎ๐ฒ๐š ๐๐ฎ๐›๐จ๐ฒ, 29 taong gulang, ay isang matatag na street vendor sa Novaliches na anim na taon nang nagsusumikap para suportahan ang kanyang pamilya. Sa likod ng kanyang simpleng pagtitinda ay ang mga kwento ng sakripisyoโ€”mga araw na kailangan niyang umiwas sa enforcer, tumakbo para sa kabuhayan, at kahit makaranas ng pagkakakulong dahil sa operasyon sa kalsada.

Sa kabila ng lahat, hindi siya sumusuko. Mas pinipili niyang kumita ng kaunti kaysa wala, bastaโ€™t may maiuuwi sa pamilya. Ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at maayos na buhay ang patuloy na nagbibigay sa kanya ng lakas araw-araw.

๐๐š๐ฌ๐š๐ก๐ข๐ง ๐š๐ญ ๐ญ๐ฎ๐ค๐ฅ๐š๐ฌ๐ข๐ง ang buong kwento ni Kuya Buboy at ng iba pang street vendors sa aming photobook na ๐“๐ก๐ž ๐”๐ง๐ญ๐จ๐ฅ๐ ๐’๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ญ ๐•๐ž๐ง๐๐จ๐ซ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐๐จ๐ฏ๐š๐ฅ๐ข๐œ๐ก๐ž๐ฌ.

Kung ikaw ay isang SHS o college student mula sa Quezon City, inaanyayahan ka rin naming sumagot sa aming survey upang makatulong sa aming pag-aaral at mas mapalalim pa ang pag-unawa sa kanilang mga karanasan. https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd2pthG10vl_IbfbCl2q34rpSgNLaRVQvzQ64cu2Boqw53VWQ/viewform?usp=header

๐Ÿ’› Sama-sama nating pakinggan ang mga kwentong madalas hindi napapansin.

Hi! We are 4th year BMMA students from STI College Novaliches, and we recently completed our capstone projectโ€”a photoboo...
13/04/2026

Hi! We are 4th year BMMA students from STI College Novaliches, and we recently completed our capstone projectโ€”a photobook that highlights the lived experiences, struggles, and resilience of street vendors.

In line with this, we are inviting SHS and college students residing in Quezon City to participate in our short evaluation form to assess how effective our photobook is in raising awareness and understanding of the vendorsโ€™ socio-economic realities.

To participate, kindly visit this link: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSd2pthG10vl_IbfbCl2q34rpSgNLaRVQvzQ64cu2Boqw53VWQ/viewform?fbclid=IwY2xjawRJRzRleHRuA2FlbQIxMQBzcnRjBmFwcF9pZAEwAAEejqDNfFjqHm-hPJctv_DJ6Ymc8uq_J9tn2_JODIFBJbMomrHyo1ixe9WW-m4_aem_bKAWJlN86d4gNzhV_66_Hg or scan the QR code below.

This form will only take a few minutes to answer, and all responses will be treated with confidentiality and used strictly for academic purposes. Thank you and good day!

Kami ang MATATANAW.Sa bawat Tanaw, may kwento. Sa bawat kwento, may buhay.Layunin naming ipakita ang mga tunay na karana...
12/04/2026

Kami ang MATATANAW.

Sa bawat Tanaw, may kwento. Sa bawat kwento, may buhay.
Layunin naming ipakita ang mga tunay na karanasan at ugnayan ng mga taoโ€”mga salaysay na madalas hindi napapansin, ngunit mahalaga.

14/03/2025

jeep

bnw
23/12/2024

bnw

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Matatanaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share