10/05/2022
PAGKAKAISA NG KOMUNIDAD SA PUP COLLEGE OF ARCHITECTURE, DESIGN, AND THE BUILT ENVIRONMENT PATUNGKOL SA KAPABAYAAN NG COMELEC SA HALALAN 2022!
Lubos na pasasalamat para sa tumindig at tumitindig para sa katotohanan at dahil dito, nangunguna ang pagkakaroon ng pag-asa. Pero ang mga uhaw sa kapangyarihan ay muling nagpaparamdam sa nagdaang Halalan 2022.
Kami, mula sa PUP College of Architecture, Design, and the Built Environment, ay tumitindig at kinokondena ang paglabas na bilang ng partial votes ng COMELEC. Mula sa samu't saring aberya na nangyari noong May 9, katulad ng sirang VCM, corrupt na SD Card, at iba pa.
Ang mga nababalita kagaya ng pag-iiwan ng balota sa poll watchers dahil sa ‘di-umano ay sira ang mga VCM, tahasang vote buying sa mga presinto at higit na marami pa. Sa kabilang banda nananatiling tikom ang bibig at patuloy na nagbubulag-bulagan ang COMELEC.
Nais ng mga estudyante sa komunidad ng PUP College of Architecture, Design, and the Built environment ng tunay, malinis, at makataong halalan.
Kasama ang organisasyon sa loob ng College of Architecture, Design and the Built Environment, aming pinapanawagan ang mabilsang aksyon ng COMELEC.
Narito kami bilang mag-aaral, lider-estudyante, anak ng ordinaryong pilipino, at, higit sa lahat, bilang Pilipinong nililingkuran ang bansa.