19/07/2025
𝗜 𝘁𝗮𝗸𝗲 𝗼𝗻𝗲 𝘀𝘁𝗲𝗽 𝗮𝘄𝗮𝘆, 𝘁𝗵𝗲𝗻 𝗜 𝗳𝗶𝗻𝗱 𝗺𝘆𝘀𝗲𝗹𝗳 𝗰𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂 ~
Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo nating nauunawaan na ang tunay na yaman ng pagiging mag-aaral ay hindi lamang nasusukat sa dami ng aralin o bilang ng medalya, kundi sa mga taong naging kabahagi natin sa paglalakbay na ito.
May mga taong tila itinadhana upang maging liwanag sa ating landas. Sila ang nagsilbing gabay, tagapagturo, at inspirasyon—mga gurong hindi lamang nagtuturo ng mga aralin sa silid-aralan, kundi pati na rin ng mga mahahalagang aral sa buhay.
Kaya’t kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyo, aming mga mahal na guro, na sa bawat hakbang ng aming paglalakbay bilang mag-aaral, ay hindi ninyo kami iniwan ni pinabayaan.
Unang-una po, sa aming guro sa Araling Panlipunan, Gng. Josielyn V. Salvador – lubos ang aming pasasalamat sa inyo, Ma’am, sa pagtuturo hindi lamang ng kasaysayan at ekonomiks, kundi pati na rin ng kahalagahan ng oras, disiplina sa sarili, at pagpapahalaga sa bawat yugto ng ating buhay. Sa bawat talakayan, naipaparamdam ninyo sa amin ang kahalagahan ng pagiging mulat at mapanuri sa lipunan. Ang mga aral ninyo ay nagsilbing salamin upang makita namin ang halaga ng responsibilidad at malasakit, hindi lamang sa sarili kundi sa bayan.
Sa aming butihing guro sa Science, Bb. Anacel Figuracion – isang malugod na pasasalamat sa inyo, Ma’am, sa walang sawang pagbabahagi ng inyong kaalaman at sa pagbibigay-sigla sa bawat araw ng aming pag-aaral. Sa inyo po, ang Agham ay naging buhay at makulay. Hindi lamang po kayo nagturo ng mga konsepto, kundi pinatunayan ninyong kayang pagsamahin ang talino at saya sa loob ng silid-aralan. Salamat sa pagiging bukas-palad sa pagtanggap sa aming mga kamalian at sa matiyagang pagsagot sa bawat tanong, gaano man ito kasimple o kakumplikado.
Kay G. Jayson Batongbakal, ang aming guro sa Filipino – Maikli man ang panahong ibinabahagi ninyo sa amin, ito’y siksik sa dunong at lalim ng wika. Sa bawat sandaling kayo’y naroroon, damang-dama namin ang inyong pagmamahal sa sariling wika at kultura. Ang inyong mga aralin ay nagbibigay sa amin ng mas malawak na pag-unawa sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang daluyan ng ating pagkakakilanlan. Salamat po sa pagbubukas ng aming isipan sa kagandahan ng ating panitikan at sa pagtuturo sa amin ng paggalang sa ating kasaysayan.
Sa aming guro sa Matematika, Gng. Johnalyn Fesariton – maraming salamat po, Ma’am, sa inyong walang sawang paggabay sa amin sa mundo ng numero’t lohika. Hindi biro ang mga pagsubok sa Matematika, subalit sa inyong pagtuturo, natutunan naming ang bawat formula ay may katumbas na halaga sa tunay na buhay. Tinuruan ninyo kaming maging masinop, matiyaga, at mapanuri—mga katangiang higit pa sa pagkuha ng tamang sagot, kundi pagharap sa mga suliranin sa paraang sistematiko at may kumpiyansa.
Sa aming guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Gng. Marian Bondoc – sa inyo po kami natutong magnilay, magsuri, at kumilos nang may malasakit at prinsipyo. Ang bawat aralin ninyo ay tila binhi ng kabutihang-asal na patuloy naming pinagyayaman. Sa inyong pagtuturo, mas naging malinaw sa amin ang kahulugan ng tamang asal, pagmamahal sa kapwa, at pagrespeto sa sarili. Salamat po sa pagpapaalala sa amin ng tunay na halaga ng pagiging isang mabuting tao.
Kay Bb. Mary Emmanuelle Miranda, ang aming guro sa MAPEH – maraming salamat po sa pagbibigay halaga sa aming pisikal na kalusugan, sining, at pagpapahayag ng emosyon sa pamamagitan ng musika at sayaw. Sa inyo po, natutunan naming pahalagahan hindi lamang ang talino kundi pati ang galing ng katawan, puso, at damdamin. Kayo po ang nagturo sa amin kung paanong ang sining at kalusugan ay parehong bahagi ng isang masigla at makabuluhang buhay.
Kay G. Emmanuel G. Jacinto, ang aming guro sa ICT – simula pa lamang noong kami’y nasa ikapitong baitang, kilala n’yo na kami hindi lamang bilang mag-aaral kundi bilang mga batang unti-unting umuunlad. Sa bawat taon na lumilipas, kayo’y nananatiling gabay sa aming paggamit ng teknolohiya hindi lamang para sa kasayahan kundi para sa pagkatuto at kabutihan. Salamat po sa pagiging matiyaga, maunawain, at sa maayos na pagbabahagi ng inyong kaalaman.
Kay Gng. Reyzen D. Avendaño, ang aming guro sa Journalism – salamat po sa pagbabahagi ng inyong kaalaman sa radio broadcasting, at higit sa lahat, sa pagbibigay-inspirasyon sa amin na manalig sa plano ng Diyos. Ang bawat leksiyon ninyo ay hindi lamang teknikal kundi puno ng pag-asa at pananampalataya. Tinuruan ninyo kami kung paanong ang boses ay maaaring gamitin hindi lang upang mag-ulat, kundi upang maghatid ng pag-asa at kabutihan sa mundo.
At higit sa lahat, sa aming Adviser, G. Ronel C. Marfa – hindi sapat ang salita upang ipahayag ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo, Sir. Sa bawat araw na kami’y pagod, nalilito, o nabibigatan, kayo’y laging nariyan—nakikinig, umaalalay, at nagbibigay ng tamang payo. Hindi ninyo kami itinuring na basta estudyante lamang, kundi bilang mga anak na nangangailangan ng paggabay at pang-unawa. Sa mga kwento ninyo, natutunan naming ang tunay na aral ng buhay—ang tibay ng loob, ang halaga ng pamilya, at ang lakas ng pananampalataya.
Sa pagtatapos ng aming paglalakbay sa Grade 9, dalangin naming hindi lamang namin dala ang mga kaalaman, kundi pati na rin ang kabutihang loob na itinanim ninyo sa aming mga puso. Kayo po ang dahilan kung bakit kami muling bumabalik—dahil isa po kayo sa tahanan ng aming mga pangarap at tagumpay.
Sa mga kaklase namin—mga kasama sa tawa’t luha, sa recitation man o kulitan, sa tagumpay at pagkatalo—tunay ngang sa bawat paglayo, sa bawat tampuhan o hindi pagkakaunawaan, may isang puwersang laging humihila pabalik: ang ating samahan.
Ngayong tayo'y tutungtong na sa Grade 10, ang huling taon sa ating Junior High School journey, nawa’y lalo pang tumatag ang ugnayan na ating binuo noong mga nakalipas na panahon. Sana'y mapanatili natin ang respeto sa isa’t isa, ang tiwala, at ang malasakit. Iwasan na natin ang mga isyu, ang pag-aalitan, at mga bagay na sumisira sa pagkakaibigan. Palitan natin ito ng mas malalim na pag-unawa, pagtanggap, at pagkakaisa.
Habang tayo’y papalapit sa hangganan ng yugto bilang junior high school students, paalala sa atin ito: tayo-tayo rin ang magiging alaala ng isa’t isa. Kaya habang narito pa tayo, samantalahin natin ang bawat sandali. Gawing makabuluhan ang bawat araw, at piliing maging liwanag sa halip na maging dahilan ng dilim.
Sa huli, marahil ay magkakanya-kanya tayo ng landas, pero lagi nating baunin ang alaala ng isang samahang bumangon sa maraming pagsubok, at sa kabila ng lahat, ay nanatiling buo.
"𝗔𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼'𝘆 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼, 𝗯𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸"