17/06/2026
𝐌𝐀𝐔𝐁𝐀𝐍𝐎𝐆 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐍𝐀! Sa temang 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲, 𝐊𝐚𝐲𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐚𝐲! ay ating itatampok ang mga pamana mula sa kalikasan na siyang nagbibigay buhay sa araw-araw nating pakikipamuhay.
Sa gitna ng krisis, hindi natin iwawaglit ang pagmamahal sa mga tradisyong bumubuhay sa atin! Muling ipagdiwang ang mayamang kultura, makukulay na tradisyon at natatanging pagkakakilanlan ng Bayan ng Mauban sa pamamagitan ng Maubanog Festival 2026.
Mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 16, tampok ang iba't ibang aktibidad tulad ng mga paligsahan, programang pangkabuhayan, sports events, cultural presentations, parada, at serbisyong pangkomunidad na tiyak na magbibigay saya at inspirasyon sa bawat Maubanin.
Inaanyayahan namin ang lahat ng mamamayan, balikbayan, at mga bisita na makiisa sa pagdiriwang na sumasalamin sa ating buhay na kultura at tunay na yaman bilang isang bayan.
🎭 Ipagmalaki ang ating pamana.
🤝 Palakasin ang pagkakaisa.
🎉 Damhin ang saya ng pagdiriwang.
Tingnan ang opisyal na kalendaryo ng 𝐌𝐀𝐔𝐁𝐀𝐍𝐎𝐆 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔 at markahan na ang inyong mga petsa!