12/05/2026
๐ก๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ถ: ๐ฃ๐ถ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฒ๐ปฬ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐๐ธ๐ฎ-๐ฏ๐ฑ๐ฌ ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น. ๐ ๐ฎ๐ ๐ญ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Sa paglipas ng mga panahon, dahil sa lalong yumayabong na debosyon sa Mahal na Birhen ng Turumba, nadagdagan ang mga araw ng pagdiriwang ng Turumba sa Birhen. Noong dekada '70, bilang katugunan ng simbahan sa kahilingan ng grupong kababaihan ng Pakil, ang Pakileรฑas Club, nagkaroon ng natatanging lupi na tinawag na Fiesta Pakileรฑa.
Ang Fiesta Pakileรฑa, na tinatawag ding Natatanging Lupi, ay ang Turumba na itinaon sa petsa ng pagkakatatag ng bayan, Mayo 12. Higit na naka-tuon ang pagdiriwang na ito sa mga taga-Pakil, sapagkat sa panahon ng mga lupi, ang buong bayan ay abala sa pag-aasikaso ng mga deboto mula sa iba't ibang bayan.
Noong Mayo 12, 1676, sa sipag at tiyaga ni Padre Francisco Barajas, ang Pakil ay inihiwalay sa bayan ng Paete at binigyan ng pagsasarili at pananagutan bilang isang bayan. Hinirang bilang unang Kapitan si Diego Jorge at si Padre Francisco Barajas bilang unang kura. Itinayo ang isang Iglesia sa ilalim ng pagkandili ni San Pedro de Alcantara, pitong taon matapos ang kanyang kanonisasyon, na ngayo'y dambana na rin ng Mahal na Birhen ng Turumba.
Dahil ang natatanging lupi ay kasabay ng anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Pakil, ito ay pinangungunahan din ng buong Pamahalaang Bayan. Mula Alkalde, Bise-alkalde, mga Konsehal, lahat ng bumubuo ng Sangguniang Barangay, at lahat ng kawani ng pamahalaan ay masaya at aktibong nakikiisa sa pagdiriwang na ito. Isa itong magandang kaugalian sa bayan ng Pakil na nagpapakita ng magandang relasyon ng Simbahan at ng lokal na Pamahalaan.
Sa mga karagdagang araw ng Turumba, ang Fiesta Pakileรฑa lamang ang tinatawag na lupi. At sa ngayon, bukod sa mga taga-Pakil, bukas-palad na dinarayo na rin ang pagdiriwang na ito ng mga deboto mula sa iba't ibang bayan.
Mabuhay ang bayan ng Pakil sa kanyang ika-350 taon ng pagkatatag! Mabuhay ang bayan ng Mahal na Birhen ng ๐ง๐๐ฟ๐๐บ๐ฏ๐ฎ.