23/09/2025
ANG DATING BIBLIA
AWIT 90:10
Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, O kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; Gayon ma’y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; Sapagka’t madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
ANG DATING BIBLIA
ISAIAS 46:4
At hanggang sa katandaan ay ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.