29/01/2022
Maniwala ka sa Forever! O kaya naman sa "Love for a Lifetime" 🥰💕
Today is Lolo Vinio & Lala Puring's 58th Wedding Anniversary ❤
Short Story:
Isang araw, hinahanap ni Lolo yung malaking karayom kasi tatahiin nya yung sako ng palay.
Yung Lolo ko, siguro 78 yrs old na that time, eh medyo short-tempered na. Tapos minsan kapag naiinis sya kung anu-ano ang nasasabi nya regarding sa death nya na bakit buhay pa sya etc etc 😑
Nung hindi mahanap ni Lolo yung karayom, nagtanong na sya kay Lala.
(non-verbatim)
Lolo: Puring, asan na ba ang mga karayom ko?
Lala: Tingan mo sa likod ng lagayan ng radyo. Dyan mo lang naman nilalagay ang mga karayom mo 'di ba?
Lolo: Wala dito. Kanina ko pa hinahanap
Lala: (lumapit bigla) Kung saan saan mo na naman kasi nilalagay
Lolo: (medyo naiinis na) Andyan lang dapat yan hayy!! mabuti pa si (kung sino man na kapamilya na patay na) nananahimik na sa sementeryo. Hindi na nararanasan ang pagod sa buhay. Kelan kaya ako mamamahinga
Lala: (inis na din) Wag kang magsasalita ng ganyan baka unahan kita!
Lolo: Wag! Sabay na lang tayo (nakangisi na)
At naloka po ako sa dalawang matanda. Haynako 😑😅
Happy Wedding Anniversary, Lolo & Lala! 💕