BNS Photography

BNS Photography Framing devotion with every shot, keeping the timeless beauty of faith alive

๐€๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ซ๐ง๐š๐ซ๐๐จ ๐ˆ๐ˆ๐ˆ, ๐‡๐š๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ฅ๐š ๐š๐ญ ๐‹๐ž๐จ๐งika-30 ng MayoAma naming makapangyarihan, sa tulong ng iyong ...
29/05/2026

๐€๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ซ๐ง๐š๐ซ๐๐จ ๐ˆ๐ˆ๐ˆ, ๐‡๐š๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ฅ๐š ๐š๐ญ ๐‹๐ž๐จ๐ง
ika-30 ng Mayo

Ama naming makapangyarihan, sa tulong ng iyong banal sa simbahan, nagsikap si San Fernando na mamuhay bilang isang tunay na Kristiyano
at maging isang banal na lingkod mo. Ginamit niya ang kapangyarihan bilang hari upang paglingkuran ng tapat ang kanyang nasasakupan sa mundong ito. Nawaโ€™y maging aral at halimbawa sa amin ang kanyang kababaang- loob at kabutihang asal sa patuloy na pagtataguyod namin
ng karapatan, kalayaan at kapayapaan sa aming parokya at pamayanan.

Lagi nawa naming maitanghal ang karangalan ng tao na nilikhang kalarawan mo nang sa gayoโ€™y makilala ng lahat, pakundangan sa panalangin ni San Fernando, ang kadakilaan at kapangyarihan ni Hesukristong Anak mo, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!

๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ผAma naming makapangyarihan, niloob Mong akuin ng iyong Anak an...
22/05/2026

๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ผ

Ama naming makapangyarihan, niloob Mong akuin ng iyong Anak ang krus at kamatayan upang ang sangkatauhan ay matubos at mabuhay. Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa ayon sa diwa ng pagsunod sa Iyong loob na ginanap ng Iyong Anak ay magpagindapat nawang aming kamtin ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!

Poong Jesus Nazareno, maawa Ka sa amin!

๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‘๐ข๐ญ๐š ๐๐ž ๐‚๐š๐ฌ๐ข๐š๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜Š๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ด ๐˜๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ดika-22 ng Mayo O Santa Rita, ibinigay ka ng...
22/05/2026

๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‘๐ข๐ญ๐š ๐๐ž ๐‚๐š๐ฌ๐ข๐š
๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜Š๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ด ๐˜๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด
ika-22 ng Mayo

O Santa Rita, ibinigay ka ng Diyos sa amin bilang isang halimbawa ng wagas na pag-ibig at pagtitiyaga. At Kanyang pinahintulutan na makihati ka sa pagdurusa ng Kanyang Anak. Ang iyo nawang halimbawa ang magbigay sa amin ng lakas na pasanin ang aming krus araw araw.

Sa iyong kagandahang loob, dinggin ang aming panalangin at iyong ipanalangin
O Patrona ng Imposible na ipagkaloob sa amin ang aming kahilingan, para sa aming mga medical frontliners, upang patuloy nilang mapaglingkuran ng lubos ang mga may sakit at nangangailangan ng serbisyong medikal; ang mga namumuno sa pamahalaan, upang matugunan nila ang pangangailangan ng mga mamamayan; ang mga namumuno sa simbahan, upang patuloy pa ring mailapit si Kristo sa mga mananampalataya at para sa bansang Pilipinas at buong mundo, nawa ay tuluyan nang mapuksa ang salot na ito upang sama-sama kaming makabangon at maghilom.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!

Santa Rita de Cascia, ipanalangin Mo kami!

๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ˆ๐ง๐š ๐ง๐  ๐‹๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ค๐ฅ๐จ๐ฅ๐จO Mahal na Ina ng Laging Saklolo,mapagkalinga at mahabaging...
19/05/2026

๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ˆ๐ง๐š ๐ง๐  ๐‹๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ค๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ

O Mahal na Ina ng Laging Saklolo,
mapagkalinga at mahabaging Ina,
lumalapit kami sa Iyo ngayong araw ng Miyerkules
na may pusong mapagpakumbaba at nagtitiwala.

Ikaw na kanlungan ng mga nagdurusa,
tagapagtanggol ng mga nanghihina,
at pag-asa ng mga nawawalan ng lakas
dinggin Mo ang aming mga panalangin.

Sa gitna ng aming mga pagsubok at pangamba,
kamiโ€™y Iyong patatagin at akayin
upang manatili sa landas ng Iyong Anak na si Hesus.
Turuan Mo kaming magtiwala sa kalooban ng Diyos
at tanggapin ang bawat biyaya at pagsubok
na may pananampalataya at pag-asa.

Ina ng Laging Saklolo,
ipanalangin Mo kami sa Iyong Anak,
lalo na sa oras ng aming pangangailangan.
Iligtas Mo kami sa kapahamakan,
at patnubayan sa araw-araw naming pamumuhay.

Sa Iyong mapagkalingang mga kamay,
aming inihahabilin ang aming buhay,
ang aming pamilya, at ang aming kinabukasan.

Amen!

Tuwing ika-16 ng Mayo, taimtim na ipinagdiriwang ng mga taga-Malibay sa Lungsod ng Pasay ang Dakilang Kapistahan ni San ...
19/05/2026

Tuwing ika-16 ng Mayo, taimtim na ipinagdiriwang ng mga taga-Malibay sa Lungsod ng Pasay ang Dakilang Kapistahan ni San Juan Nepomuceno, ang banal na martir na kinikilalang huwaran ng katapatan, pananampalataya, at pagtatanggol sa kabanalan ng kumpisal.

Sa gitna ng makulay na tradisyon at malalim na debosyon, muling nagtitipon ang sambayanan upang parangalan ang kanilang patron na sa loob ng maraming taon ay naging gabay at tagapangalaga ng komunidad ng Malibay.

Nawaโ€™y patuloy na maging inspirasyon si San Juan Nepomuceno sa bawat mananampalataya upang manatiling matatag sa pananampalataya at tapat sa paglilingkod sa Diyos at kapwa.

San Juan Nepomuceno, ipanalangin mo kami!

ยกVIVA SAN JUAN NEPOMUCENO!




๐“๐ก๐ž ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐…๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ˆ๐ฆ๐š๐ ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐๐ฎ๐ž๐ฌ๐ญ๐ซ๐š ๐’๐žรฑ๐จ๐ซ๐š ๐๐ž ๐†๐ฎ๐ข๐š, ๐‹๐š ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐š ๐‰๐ฎ๐ซ๐š๐๐š ๐๐ž ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐šMay 19I revere thee ...
19/05/2026

๐“๐ก๐ž ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐…๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ˆ๐ฆ๐š๐ ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐๐ฎ๐ž๐ฌ๐ญ๐ซ๐š ๐’๐žรฑ๐จ๐ซ๐š ๐๐ž ๐†๐ฎ๐ข๐š, ๐‹๐š ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐š ๐‰๐ฎ๐ซ๐š๐๐š ๐๐ž ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š
May 19

I revere thee with all my heart, Most Holy Virgin, above all the Angels and Saints of Heaven and I consecrate to thee my soul with all its faculties my body with all its senses and my heart with all its affections praying that thou wilt obtain for me from the Blessed Trinity all the graces I need for salvation.

O peerless Lady! How wretched and paltry is our gratitude beside thy infinite graciousness! How kind and good thou art, O Lady, to us, the children of Adam!
As the generous dispenser of all divine graces, what have we not received from thy tender and merciful heart? (Mention your intention)

This very land owes its happiness to the presence of thy holy image which has drawn to us all the favors which we unceasingly receive from God. Thy image is for us a loving proof of thy Motherly love and affection as well as a shining mirror where we can glimpse thy most admirable virtues.

Be always our guide, O Mary, our model, our help and succor, and although we are miserable sinners, turn not away from us thy Motherly heart. Do not allow this land to ever forget thee, and as long as one of us shall remain to invoke thy Sweet Name, O Mary, show thyself always our Most tender Mother, our steadfast advocate, our safe refuge, and most loving guide. Amen.

Mary, our guide, show your motherly love and pity upon us!

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ฅ๐ข๐ฉ๐ž ๐๐ž๐ซ๐ขMakapangyarihan at maawaing Diyos alang-alang sa kabutihan at kasiyahan ng iy...
19/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ฅ๐ข๐ฉ๐ž ๐๐ž๐ซ๐ข

Makapangyarihan at maawaing Diyos alang-alang sa kabutihan at kasiyahan ng iyong mga anak, ay ninasa mong ipagkaloob sa panahon ng paghihirap ng Simbahan, ang butihing si San Felipe Neri bilang isang apostol ng Roma,
huwaran para sa mga alagad ng Diyos, at patron at g**o ng mga kabataan.

Tanggapin mo ang aming mga panalangin sa tulong ng aming patron,
sa pamamagitan ng grasya ng Panginoong Hesukristo, upang matularan namin ang kalinisan, pag-ibig, kabanalan, at alab sa bawat mabubuting gawa,
pagmamahal sa Mahal na Birhen;upang kamiโ€™y makasama niya at ng lahat ng mga Banal,sa masayang paglโ€™walhati saโ€™yo sa pinagpalang tahanan sa langit.

Ipanalangin mo kami San Felipe, upang kami maging dapat sa mga pangako ni Hesukristo. Amen!

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐€๐ง๐šMaawain at butihing Santa Ana, banal na ina ng Mahal na Birheng Maria, ipinapanalan...
19/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐€๐ง๐š

Maawain at butihing Santa Ana, banal na ina ng Mahal na Birheng Maria, ipinapanalangin namin ang aming mga kaluluwa. Kaisa ng iyong anak na si Birheng Maria, maging malinis nawa ang aming mga puso at ligtas sa kasamaan.

Sa iyong pagkalinga, itinatagubilin namin ang lahat ng aming kapakanan lalo na ang mga pamilya. Tulungan mo kami na maialay namin sa Diyos ang aming isip na may tunay na pananampalataya. Iniaalay namin ang aming mga puso at kalooban na may pagnanais na sundin ang kalooban ng Diyos.

Mahal na Santa Ana, tulungan mo kami sa aming pagsusumikap na masupil ang aming masasamang hilig, maiwasan ang anumang nag-uudyok sa kasalanan, at huwag na muli kaming magkasala. Matupad nawa namin ang kalooban ng Diyos kagaya ng ginawa ng Birheng Maria at San Jose.

Mahal na Santa Ana, sa pag-aalay naming ito, aming ipinapangakong paglilingkuran namin si Kristo sa pamamagitan ng tunay na pagsaksi sa kanyang ebanghelyo ng pagmamahal. Tulungan mo kami na mapasaamin ang biyaya ni Hesus na tunay na naging tapat sa kalooban ng Diyos Ama at tunay na kaisa ng Banal na Espiritu, sa Kaharian na walang hanggan. Amen!

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐šO Diyos na makapangyarihan, dahil sa dakila mong pagmamahal sa sangkatauhan nakip...
18/05/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐š

O Diyos na makapangyarihan, dahil sa dakila mong pagmamahal sa sangkatauhan nakipamuhay sa amin. Natagpuan niya sa iyong lingkod na si Santa Marta ang walang pasubaling pagtanggap sa kanyang tahanan nang may masiglang paglilingkod at galak sa pakiO Diyos na makapangyarihan, dahil sa dakila mong pagmamahal sa sangkatauhan nakipamuhay sa amin. Natagpuan niya sa iyong lingkod na si Santa Marta ang walang pasubaling pagtanggap sa kanyang tahanan nang may masiglang paglilingkod at galak sa pakikipagkaibigan.

Nawa ay maging laging bukas ang aming puso sa pagtanggap sa iyong Anak na si Hesus na ang nais ay ang pakikinig sa kanyang Salitang nagbibigay buhay at tinawag na pinagpala ang lahat ng nagsasabuhay nito.
Sa halimbawa ng ulirang panananalig ni Santa Marta, ay maging buo ang loob namin na ipahayag na si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, ang aming Buhay at Muling Pagkabuhay.

Pakumbabang iniluluhog namin na ibuhos mo ang Iyong masaganang pagpapala sa amin na nakaka-alaala sa malalim na pag-ibig at pananampalataya na ipinakita ni Santa Marta sa iyong Anak. Alang-alang sa mga panalangin ni Santa Marta ay ipagkaloob mo ang aking kahilingan (banggitin ang kahilingan) kung ito ay para sa kagalingan ko at kaluwalhatian mo.

At sa wakas ng aming paglalakbay dito sa lupa, ay masapit nawa ang tahanang inihanda ni Hesus para sa amin sa langit at mamalas ang iyong kaluwalhatian kasama ng lahat ng mga banal at ng lingkod mong si Santa Marta.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Martang pintakasi namin, kami'y iyong idalangin.

๐Œ๐จ๐ง๐๐š๐ฒ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฉ๐ก๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ซ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฉ๐กRemember, O most chaste spouse of the Blessed Virgin Mary,that neve...
18/05/2026

๐Œ๐จ๐ง๐๐š๐ฒ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฉ๐ก
๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ซ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฉ๐ก

Remember, O most chaste spouse of the Blessed Virgin Mary,
that never was it known that anyone who implored thy help and
sought thine intercession was left unaided. Full of confidence
in thy power, I fly unto thee and beg of thee thy protection.
Despise not my humble supplications, O foster-father of the
Redeemer, but hear and answer me. Amen!

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BNS Photography posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category