Sinebayan Productions

Sinebayan Productions Official Social Media Team of Sangguninang Kabataan ng Santolan

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: SALUBONG 2026Nagtipon ang lahat sa Barangay Hall ng Santolan, Pasig City upang ipagdiwang ang tradisyuna...
05/04/2026

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: SALUBONG 2026

Nagtipon ang lahat sa Barangay Hall ng Santolan, Pasig City upang ipagdiwang ang tradisyunal na Salubong tuwing Linggo ng Pagkabuhay, na siyang sumisimbolo sa muling pagkabuhay ni Hesus at sa muling pagtatagpo nila ng Birheng Maria.

Binibigyang-diin hindi lamang ang relihiyosong aspeto ng tradisyon kundi para matanto rin ang kahalagahan ng pagkakaisa, pananampalataya, at patuloy na pagpapahalaga ng kultura mula sa unang henerasyon patungo sa susunod.


๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: INDAYOG SA 30TH PAKALOG FESTIVAL 2025Matagumpay na ipinagdiwang ang 30th Pakalog Festival 2025, isang ma...
11/01/2026

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: INDAYOG SA 30TH PAKALOG FESTIVAL 2025

Matagumpay na ipinagdiwang ang 30th Pakalog Festival 2025, isang makulay na selebrasyon ng kultura, tradisyon, at pagkakaisa ng mga Santoleรฑo.

Ibinabahagi ngayon ng Sinebayan Productions ang mga nakatatak na sandali mula sa bawat indak, ngiti, at sigaw ng saya na nagbigay-buhay sa kahabaan ng Santolan.

Muling pinatunayan ng Pakalog Festival na sa sama-samang pagkilos at pagmamahal sa kultura, patuloy na magiging buhay at makulay ang ating pagkakakilanlan.


11/01/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž-๐—ง๐—”๐—ก๐—”๐—ช

Pagbalik-tanaw, dalawang linggo matapos ang Gabi ng Parangal 2025โ€”isang sukli ng pagsisikap at tulay tungo sa gusto pang makamit na pangarap ng Kabataang Santoleรฑo.

Sinimulan ang video na ito nang may dedikasyon, puso, at pagkakaisa. Mula sa pagbuo ng ideya hanggang sa huling sandali ng programa, ramdam ang kakayahan, talento, at determinasyon ng bawat isa.

Mula sa puso ng Sinebayan Productions, maraming salamat sa tiwala at suporta. Sa mga tao sa likod ng programang ito, lalo na sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan. Ang bawat sandali ng paggawa ng video na ito ay nagpatibay sa aming paniniwala na ang talento at dedikasyon ng kabataan ay dapat ipagdiwang at ipagmalaki.

Ang nakamit na parangal ng bawat isa ay nagsilbing inspirasyon ng Sinebayan Production, simula sa naging proseso ng paglikha na may kasamang kwentuhan at pagtutulungan na nagbigay-buhay sa naggawang video.

Upang makita ang serye ng mga video na likha ng Sinebayan para sa makabuluhang programang ito, maaaring bisitahin ang opisyal na page ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan.

Mula sa Sinebayan Productions, maraming salamat at mabuhay ang kabataang Santoleรฑo!

SA LIKOD NG LENTE | Gabi ng Parangal 2025Sa bawat sulyap sa likod ng lente, nabubuo ang mga larawang sumasalamin sa dedi...
31/12/2025

SA LIKOD NG LENTE | Gabi ng Parangal 2025

Sa bawat sulyap sa likod ng lente, nabubuo ang mga larawang sumasalamin sa dedikasyon, husay, at kakayahan ng mga natatanging Kabataang Santoleรฑoโ€”mula sa sining, agham, isport, edukasyon, adbokasiya, hanggang sa pamumuno sa komunidad. Patunay ito na ang tagumpay ay bunga ng tiyaga, pagkamalikhain, at taos-pusong malasakit sa kapwa.

Sa paggawa ng Gabi ng Parangal 2025 video, tunay na humanga ang Sinebayan Productions sa ningning ng inyong mga mata habang ibinabahagi ang mga kwentong puno ng sakripisyo, pangarap, at tagumpay.

Patuloy na susuportahan ng Sinebayan Productions ang bawat indibidwal na gumagamit ng kanilang talento bilang daan upang makatulong at magbigay-inspirasyon sa iba.

Pagpupugay sa lahat ng tumanggap ng parangal. Nawaโ€™y magsilbi itong paalala na ang inyong mga tagumpay ay hindi lamang personal na panalo, kundi liwanag na maaaring gumabay sa iba tungo sa kanilang mga pangarap.

Kasama ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan, ipinagmamalaki ng Sinebayan Productions ang pagkapanalo ng KoneKit...
18/12/2025

Kasama ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan, ipinagmamalaki ng Sinebayan Productions ang pagkapanalo ng KoneKita at Youth Emergency Response and Resiliency Program (YERRP) sa Project Awards Category ng Seal of Good Youth Governance!

Mula sa Sinebayan Productions, kami ay nagagalak sa parangal na ito bilang naging parte sa pagbuo ng mga proyektong ito. Nasuklian ang pagod, sakripisyo, at talento ng pagkilala sa proyektong nabuo.

Ito ay simula pa lamang ng tagumpay, para sa mas marami pang aktibong programa at oportunidad ang magbubukas na aabangan pa.

๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ง ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ผHalika, ating pahapyaw na silipin ang mga kaganapan sa likod ng lente. Kaakibat a...
31/10/2025

๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ง ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ผ

Halika, ating pahapyaw na silipin ang mga kaganapan sa likod ng lente. Kaakibat ang dedikasyon at talento ng Sinebayan Productions, at ang nagkakaisang Youth Emergency Response and Resiliency Team (YERRT), na pinamumunuan ni Kagawad Laurence Mendoza.

Kasama rin sa pagbuo si Kalali Pacol isa sa mga Youth Officer, na nagsilbing gabay at katuwang sa pagbibigay-linaw kung ano nga ba ang mga ginagawa at tungkulin bilang isang bahagi ng Youth Emergency Response and Resiliency Team (YERRT).

Sa pamamagitan ng kanilang pamumuno, higit na naipapakita ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit ng kabataan sa pagtugon sa ibaโ€™t ibang hamon ng Barangay Santolan.

24/10/2025

Bilang isang grupo na may adhikaing magtanghal ng mga kuwento, mula sa indibidwal na tibok ng puso hanggang sa kolektibong sigaw ng ating lipunan, ang proyektong ito ay nilikha nang may pusong naglilingkod at nagbibigay-kaalaman.

Itinanghal ng aming mga lente ang mga ordinaryong sandali ng mga boluntaryo't manggagawa, ang mga bagani ng makabagong panahon na handang sumalagma sa unos upang isalba at isagip ang ating komunidad.

Maringal na ipinagmamalaki ng Sinebayan ang bidyo na nagpapakilala sa Youth Emergency Response and Resiliency Team (YERRT) at mga tampok na sandali mula sa nagdaang YERRT Camp!

Abangan ang mga kaganapan sa likod ng lente.

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—–๐—ข๐—ก๐—–๐—œ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ก Matagumpay na idinaos noong ika-20 ng Oktubre, 2025 ang One Concierto: Santolan 2...
21/10/2025

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜: ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—–๐—ข๐—ก๐—–๐—œ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ก

Matagumpay na idinaos noong ika-20 ng Oktubre, 2025 ang One Concierto: Santolan 2025, isang gabi ng musika, talento, at matibay na pagkakaisa.

Ngayon, ibinabahagi ng Sinebayan ang nakatatak na mga sandali mula sa kanilang mga pagtatanghal na nagbigay-buhay sa entablado at nagpaalingawngaw sa saya sa bawat Santoleรฑo. Sa kalit, na lente:

DJ Kevin
Guddhi$t
Michael Pangilinan and The Yudawans
The Itchyworms

Napatunayan muli ng One Concierto: magkakasama, hindi mapipigilan ng anumang unos ang Santoleรฑo.

SULYAP SA LIKHANG-SINE: Konekita Official Video LaunchingNapanood niyo na ba ang Konekita Launching Video?Ngayon, narito...
25/08/2025

SULYAP SA LIKHANG-SINE: Konekita Official Video Launching

Napanood niyo na ba ang Konekita Launching Video?

Ngayon, narito ang ilan sa mga stills mula sa nabuong likhang-sine ng Konekita Official Launching Videoโ€” tampok ang husay at malikhaing kaisipan ng Sinebayan Productions pagdating sa graphic objects at visual objects, katuwang ang SK Santolan Council, mga IT Professionals.

Batid ng Sinebayan na ang Konekita Community ay higit pa sa isang proyekto dahil ito ay nagsisilbing tulay upang mas mapaigting ang ugnayan at sama-samang pagkilos para sa kaunlaran ng komunidad.

Sa kabuoan, ito ang isang patunay na sa likod ng bawat eksena, mayroong dedikasyon, pagkakaisa, at malasakit para sa mas makabuluhang koneksyon at kaunlaran sa komunidad.

Bisitahin ang website: https://sksantolan-pasig.com/KoneKita/



SA LIKOD NG LENTE: KoneKita Launching VideoIsang sulyap sa dedikasyon at talento ng SK Santolan Council, mga IT Professi...
15/08/2025

SA LIKOD NG LENTE: KoneKita Launching Video

Isang sulyap sa dedikasyon at talento ng SK Santolan Council, mga IT Professionals, at ng Sinebayan Productions sa likod ng KoneKita Launching Video.

Mula sa pagbuo ng konsepto hanggang sa huliโ€” binigyang buhay ang isang bagong online platform para sa mas konektadong komunidad at mas organisado na makahanap ng skilled workers.

Sa bawat eksena, patunay na ang pagkakaisa ang magdudugtong upang makamit ang layuninโ€”mas konektadong komunidad at mas maayos na hanapbuhay.

Batay sa layunin ng Konekita, maaari ka nang:
โ€ข Makapag-register bilang jobseeker
โ€ข Maghanap ng trabaho o pagkakakitaan
โ€ข Makipag-ugnayan sa mga skilled workers ng Santolan

Tara, mag-KoneKita na!

Ang Sinebayan Productions ay malugod na nagpapasalamat sa oportunidad na ito. Sa proyektong ito maraming natutuhan ang bawat isa. Hindi lamang kaisipan ang nabigyan ng kaalaman, sapagkat dedikasyon din ng puso, dahil sa mga nabuong karanasan at samahan na patuloy naming dadalhin at papahalagahan.

Kaya naman bigyan natin ng pagpupugay ang mga skilled workers ng Barangay Santolan. Sabay-sabay nating buhayin ang bagong online platform sa digital na panahon.

Bisitahin ang website: https://sksantolan-pasig.com/KoneKita/

Dahil sa , konektado ka!





Address

Pasig
1610

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sinebayan Productions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share