12/08/2022
Sana po ay patuloy natin isipin ang Apat na "PAALALA" or "4Ks" sa Porac Public Market patungkol sa:
1. KALUSUGAN - palagi pa rin tayo magsuot ng facemask at magphysical distancing sa loob ng palengke, transport terminal at loob ng mga jeepney para makaiwas sa mga virus at iba pang mga nakakahawang sakit. Bawal din po manigarilyo sa loob ng palengke, transport terminal at sa loob ng mga pampasaherong sasakyan.
2. KALINISAN - bawal po magkalat o magtapon ng basura sa loob at labas ng palengke. Ilagay po sa tamang basurahan ng ating bawat tindahan. Hiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok sang-ayon sa batas ng R.A. 9003.
3. KAAYUSAN - sa trapiko ay One-way Entrance at One-Way Exit ang systema sa ating palengke. Huwag po tayo magdouble parking sa kalsada at tayong mga vendors sana po ay ipaubaya nalang natin sa ating mga customers ang parking spaces na malapit sa main building ng palengke. Tayong mga Vendors sana po ay ilayo nalang natin ang ating sariling mga sasakyan. Kung maari po sana ay iuwi nalang muna ang ating mga sariling sasakyan at ibalik nalang sa palengke after lunch kapag uuwi na kayo. Tayong mga vendors sana po ay panatilihin nating maaliwalas ang mga pasilio sa loob ng ating palengke para maging conviniente sa mga suki at customers.
4. KAWATAN - magingat po tayo palagi sa mga kawatan gaya ng mandurukot, snatcher, salisi at budol-budol gang. Maging alerto tayo upang mahuli natin ang mga ito at maparusahan sang-ayon sa batas.
Salamat po sa inyong pang-unawa at pagtalima sa 4Ks PAALALA na ito. Ingat palagi and God bless you. - (from: Roland Ustares)