07/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
Ngayon ay ginugunita natin ang Kapistahan ng Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria. Nawaโy tayo ay gabayan ng Mahal na Ina upang maging payak, mapagpakumbaba, at maawain. Buong galak natin ipagdiwang ang kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria sapagkat narito na ang Ina ng ating Tigapagligtas.
โโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโ
โSa payapang gabi, sa lilim ng kalangitan, may banal na namuo sa sinapupunan; hanggang sa dahan-dahang mahawi ang tabing ng umaga, sa sinapupunan ni Santa Ana, isinilang si Maria ang bukang-liwayway ng pag-asa.
โ
โMaria sa iyong pagsilang, Ikaw ang munting binhing sa Diyos ay itinangan, sa lupang hitik sa lumbay, luha, at kasalanan. Sa paglipas ng panahon, ikaw ay namulaklak sa kabanalan,
โupang maging marapat na tahanan ng Salitang magiging Laman.
โ
โHindi mo hinangad ang papuring panandalian, hindi mo sinukat ang dangal sa yaman o kapangyarihan;
โsapagkat ang iyong pusoโy marunong yumuko sa kalooban, at sa iyong kababaang-loob, sumilay ang tunay na kadakilaan.
โ
โMahal na Birheng Maria, sa iyong kaarawan; aming iniaalay ang puso, tinig, at aming dalangin. Gaya mo, nawaโy magkaroon ng pusong bukas sa biyaya at kabanalan upang sa bawat araw at sa bawat hakbang, ang liwanag ng Diyos ay aming maipakita at maibahagi.โ
VIVA LA VIRGEN! VIVA!
โ๏ธ EAS - Malayang Tula