01/08/2026
"𝗬𝗼𝘂’𝗿𝗲 𝗮 𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿, 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁? 𝗪𝗵𝘆 𝗱𝗼𝗻’𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝗸𝗻𝗼𝘄?" 😭😂
Papunta na kami ng school tapos nagrereklamo 'yung alaga kong bata. Hindi raw makarinig nang maayos 'yung kabilang ear niya, hindi naman totally bingi, pero parang lubog at hindi kasing linaw ng kabila.
Bigla niyang naisip na takpan 'yung ilong niya at huminga nang malakas para lumabas 'yung hangin sa tenga niya. After how many attempts, hindi pa rin successful, kaya nagreklamo na naman siya na hindi raw working!
Sabi ko sa kanya, "Baka sa lamig lang ng panahon kaya ganyan." Sa totoo lang kasi, hindi ko rin talaga alam ang nangyayari!
Tapos nag-follow up siya:
"What am I supposed to do?"
Sinagot ko siya, "I don't know."
Bigla siyang nagsalita:
"You're a teacher, right? Why don't you know?"
Napapause ako bigla at napatawa! Naalala ko bigla na kapag teacher ka nga naman, feeling ng mga bata eh walking encyclopedia ka na at expect nilang lahat ng propesyon at problema sa mundo ay alam mo! Naging doctor pa nga ako hahaha!
Sinagot ko siya ulit:
"Being a teacher doesn't mean I know everything. We teachers are still learning, because education is a lifelong journey."
"Awwww," sabi niya. Tapos humabol ulit "Then what am I supposed to do?"
Sabi ko naman, "Let's just wait until the temperature warms up. Basi sa lamig lang."
💡 LESSON LEARNED:
Minsan, nape-pressure tayo bilang educators na kailangang alam natin ang lahat ng sagot. But moments like this remind us na okay lang talagang sabihing "I don't know." Hindi nababawasan ang pagiging g**o natin kapag inamin nating may mga bagay tayong 'di pa alam. In fact, pinapakita lang natin sa mga bata na ang pag-aaral at pagkatuto ay walang katapusan, gaano ka man katagal o kagaling sa propesyon mo. Being a teacher isn't about knowing everything, it's about growing and learning together with our learners.
[AI generated photo]