17/02/2026
Hindi lahat ng paulit-ulit, nakakasawa.
May mga bagay na kapag paulit-ulit nang nangyayari, ibig sabihin may tiwala. May respeto.
May client kami na hindi kami kinuha para sa birthday. Hindi rin para sa kasal. Kundi para sa mga pangarap niyang unti-unting nagiging totoo.
Airbnb. Isa.
Tapos nasundan.
Tapos nasundan ulit.
At sa bawat bagong property niya, kami ulit ang kinukuha nya para i-shoot.
Mula Quezon City hanggang Tagaytay. Pero mas mabigat ang dala namin na responsibilidad, yung maipakita nang tama ang pinaghirapan niya.
Hindi lang basta kuha ng kwarto.
Hindi lang basta wide shot ng pool.
Kundi kung paano mararamdaman ng makakakita na gusto nilang pumunta doon.
Hindi ko man alam kung ano ang tawag sa role namin sa kanya, official photographer ba?
videographer?
o taga-gawa lang ng content?
Pero ang sigurado ako, kapag paulit-ulit kang kinukuha ng isang tao para sa negosyo niya, hindi na lang iyon trabaho.
Parte ka na ng pagbuo ng pangarap niya.
At para sa amin, sapat na βyon.