shots by dré

shots by dré feeling photographist

Ikaw at ikaw lang.
27/04/2026

Ikaw at ikaw lang.

Mag-eeleksyon na naman. Nakakapagod na magparinig at maghikayat sa lahat na bumoto ng (at nang) tama -- pero sino ba nam...
08/05/2025

Mag-eeleksyon na naman.

Nakakapagod na magparinig at maghikayat sa lahat na bumoto ng (at nang) tama -- pero sino ba naman tayo para huminto na tumulong sa pagsugpo ng katiwalian?

Mawalan man ng boses, patuloy sana nating isigaw ang hinaing ng mga nasa laylayan. Pumurol man ang utak, patuloy rin sana nating pandayin ang kaalaman ng taumbayan.

Nasa kamay natin ang kinabukasan ng bansa -- kung 'di sa'yo magsisimula ang pagbabago, kanino ka aasa para mangyari 'to?

Pumili ka ng (at nang) tama ngayong eleksyon. 'Wag kang bobo.

Wal lang, skl.

Daming mga nangyari nitong nakalipas na mga buwan. Kamusta na kaya kayo?Sher ko lang din pala 'tong mga pitik ko, medyo ...
12/04/2025

Daming mga nangyari nitong nakalipas na mga buwan. Kamusta na kaya kayo?

Sher ko lang din pala 'tong mga pitik ko, medyo kinakalawang na eh.

Sa QUAZO; at ang pagbabalik-tanaw sa 'di malilimutang nakaraan.
17/10/2024

Sa QUAZO; at ang pagbabalik-tanaw sa 'di malilimutang nakaraan.

Sa bawat pagbagtas sa daan, naisusulat ang istorya.Sa bawat ugong na nauulinigan, nabubuo ang pag-asa.Minsan, 'di natin ...
09/07/2024

Sa bawat pagbagtas sa daan,
naisusulat ang istorya.
Sa bawat ugong na nauulinigan,
nabubuo ang pag-asa.

Minsan, 'di natin napapansin,
na nakalayo na pala tayo ng pinaglalakaran.
Minsan, 'di natin nararamdaman,
na nasanay na tayo sa ingay ng lansangan.

Marahil mahirap para sa iba
na tahakin ang tinatahak mong landas.
O baka hindi naman kaya ng iba
na labanan ang mga alingawngaw sa labas.

Alam kong ramdam mo ang kapaguran.

Alam kong may minimithi kang katahimikan.

Kaya kung isa ka sa patuloy na naglalakbay
sa kabila ng bawat antala't ingay,
saludo sayo't isang kampay --
nawa'y magkatotoo ang mga ambisyon mo sa buhay!

Kung dati'y pangarap ang dala-dala, ngayo'y masasayang alaala't mga gunita na.Maski paminsan-minsan, masarap din talagan...
26/04/2024

Kung dati'y pangarap ang dala-dala, ngayo'y masasayang alaala't mga gunita na.

Maski paminsan-minsan, masarap din talagang bumalik sa sinta.

Sa gitna ng kadilimano nakaambang pangamba,kasabay ng bawat pighatio hindi matakasang dalita ---- dumulog ka lang sa mga...
17/03/2024

Sa gitna ng kadiliman
o nakaambang pangamba,
kasabay ng bawat pighati
o hindi matakasang dalita --

-- dumulog ka lang sa mga salita niya.

Sa laban niyo, kasama kami.
28/12/2023

Sa laban niyo, kasama kami.

24/12/2023

merry christmas, mga mahal!

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when shots by dré posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category