Qhs gallery

Qhs gallery ๏ฟฝ

26/08/2025

paheart react po and share

23/07/2025

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | Binaha, Biniro, Binigo

Hindi nakakatawa ang baha.
Hindi rin katawa-tawa ang pagkalugmok ng isang estudyante sa gitna ng ulan, bitbit ang sapatos, habang binabagtas ang abot-tuhod na tubig sa kalsada. Hindi biro ang lamig, ang sakit, ang takotโ€”ngunit tila sa mata ng ilang opisyal, sapat nang pantapal sa unos ang isang meme.

Sa panahong nananalasa ang bagyong โ€œCrisingโ€ at ang habagat ay waring di na aalis sa kalangitan, ang pinakapinakaiintay ng taumbayan ay malinaw, maagap, at makataong anunsyo. Ngunit bakit tila mas mabilis pang lumipad ang biro kaysa sa abiso?

Sa halip na agarang babala, isang mapanukso at katawa-tawang mensahe ang sumambulat mula sa mismong kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. โ€œSarap ng bochi ko,โ€ aniya. โ€œSa kabusugan ay naka-idlip muna.โ€ At sa dulo, isang mapangutyang tugon, โ€œO heto na, inaabangan ninyo.โ€

Kung biro ang paraan ng pamahalaan sa pag-anunsyo ng mga kanselasyon ng pasok, huwag nang ikagulat kung biro na rin ang tingin ng kabataan sa kalamidad. Kapag ang krisis ay isinisingit sa punchline, paano pa aasahang seryosohin ng publiko ang babala?

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang aabot sa 1.2 milyong katao ang naapektuhan ng sama ng panahon dulot ng bagyong Crising at habagat, habang higit 82,000 indibidwal ang sapilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. Sa ganitong kalagayan, hindi biro ang kalamidad. Hindi ito entablado ng pagpapatawa o ng pagpapakitang-tao sa social media.

Habang ang iba ay naghahanap ng signal sa kanto para makakuha ng update, ang ilang opisyal ay tila mas abala sa pagpapalaganap ng sariling brand sa Facebook. Habang ang mga bata ay tinatawid ang baha sa mga bangkang gawa sa styrofoam, may mga lider na aliw na aliw sa pansariling punchline. Habang may ina na tinutuyo ang damit ng anak gamit ang init ng kalan, may opisyal na nangingiti pa sa sarili niyang kabalbalan.

Hindi isinusumpa ng sambayanan ang katatawanan. Ang Pilipino, sa totoo lang, ay likas na mapagbiro. Ngunit may panahon para sa kwela, at may panahon para sa malasakit. Sa gitna ng sakuna, hindi punchline ang hinihintay ng mamamayan kundi plano. Hindi ang โ€œjoke langโ€ kundi โ€œhanda na kami.โ€ Hindi pasaring kundi pang-unawa. Hindi sarcasm kundi solusyon.

Sanay ang Pilipino sa unos. Kilala sa tibay at ngiti kahit sa gitna ng delubyo. Ngunit ang katatagan ay hindi dahilan upang laging magtiis. Ang pagiging masayahin ay hindi pahintulot upang paglaruan. Dahil ang trahedya, gaano man kadalas, ay hindi dapat binabastos.

Hindi biro ang bumangon sa gitna ng baha. Hindi biro ang mawalan ng kuryente, kabuhayan, o katahimikan sa loob ng sariling tahanan. At lalong hindi biro ang masaksihan ng mamamayan na tilaโ€™y inaaliw lang sila ng mga dapat ay umaalalay.

Habang bumubuhos ang ulan sa labas, may mga batang naglalaro sa baha, mga magulang na patuloy sa pagkayod, at mga estudyanteng hawak pa rin ang kanilang modyul, walang ideya kung may pasok nga ba bukas o wala. Sa mga tahanan, may kaba. Sa mga ospital, may paghahanda. Sa mga tanggapan, may obligasyong dapat gampanan.

Subalit sa kabila ng lahat, may mas masakit na tanong: nasaan ang hustisya para sa mga nalubog, naligaw, at nalimot? Nasaan ang pananagutan sa mga palpak na tugon, sa mga nahuling anunsyo, sa mga binawing utos, at sa mga lumipas na oras na sanaโ€™y nailigtas pa ang isa?

Ito ang trahedya sa gitna ng trahedyaโ€”ang pagkasanay ng taumbayan sa kapabayaan, at ang katahimikan ng mga dapat sanaโ€™y kumakampay sa ngalan ng serbisyo publiko. Sapat na ba ang pag-like sa post ng isang kalihim? Sapat na bang pagtawanan na lang ang bawat mali, dahil โ€œsanay na naman tayo diyanโ€?

Kaya sa susunod na pagtawag ng saklolo, sa susunod na ulan, sa susunod na baha na sanaโ€™y huwag na muling dumating, ang inaasahan ng mamamayan ay hindi pagpapatawa kundi pagpapakatao. Hindi kami humihiling ng perpektong namumuno; sapat na ang isang lider na may puso, may bait, at may tunay na malasakit.

Panahon na upang sa bawat unos, hindi takot ang bumalot sa mamamayan kundi kapanatagan. Panahon na upang itaas ang antas ng diskurso, lalo na sa mga anunsyong may kinalaman sa buhay at kamatayan. Panahon na upang bawiin ang tiwalang paulit-ulit na nilalapastangan. At panahon na ring pagbayarin hindi lamang ang bagyong tumama sa bansa, kundi ang sistemang lalong nagpabigat sa pinsala.

Dahil hindi lang ulan ang bumabaha sa bayanโ€”pati pagpapabaya at kamangmangan.

Editoryal nina: Sean Phanuel Membreve | Katuwang na Patnugot at Andrei De Vera | Punong Litratista
Disenyo ni: Mary Celui Tabanao | Punong Taga-anyo

๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—ฆ, ๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—ฌ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—ข? ๐Ÿ“ข๐Ÿค™Kumusta naman ang nagdaang ๐‘†๐‘’๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘Ž ๐‘†๐‘Ž๐‘›๐‘ก๐‘Ž para sa'yo?โ€ข Naglakad ka ba sa ๐˜ฑ๐˜ณ...
22/04/2025

๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—ฆ, ๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—ฌ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—ข? ๐Ÿ“ข๐Ÿค™

Kumusta naman ang nagdaang ๐‘†๐‘’๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘Ž ๐‘†๐‘Ž๐‘›๐‘ก๐‘Ž para sa'yo?
โ€ข Naglakad ka ba sa ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ o naglakad sa ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง-๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ง๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ?
โ€ข Nagbabad ka ba sa ๐˜ฅ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ต o nagbabad sa ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ?
โ€ข Nagpahinga sa probinsya o sa ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฅ?

Ano man โ€˜yan, ๐™ž๐™จ๐™๐™–๐™ง๐™š ๐™ข๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ! Baka pareho tayo ng ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ต, o baka may matutuhan kami sa kuwento mo. ๐—œ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ mo namanโ€ผ๏ธsa ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, pwedeng lsm๐Ÿฉท, essay๐Ÿ“œ, o kahit maikling salita. Kung gusto mong mang-inggit, may pa-picture๐Ÿ“ธ pa kung gusto mo! Tara naโ€˜t magkuwentuhan, ikuwento mo na โ€˜yan!






Kapsyon ni: Trisha Joy Tanguilan | Patnugot sa Pagwawasto
Disenyo: Trisha Joy Tanguilan | Patnugot sa Pagwawasto at Mary Celui Tabanao | Punong Taga-anyo

Like and Comment Guyss
22/04/2025

Like and Comment Guyss

๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—ฆ, ๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—ฌ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—ข? ๐Ÿ“ข๐Ÿค™

Kumusta naman ang nagdaang ๐‘†๐‘’๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘Ž ๐‘†๐‘Ž๐‘›๐‘ก๐‘Ž para sa'yo?
โ€ข Naglakad ka ba sa ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ o naglakad sa ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง-๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ง๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ?
โ€ข Nagbabad ka ba sa ๐˜ฅ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ต o nagbabad sa ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ?
โ€ข Nagpahinga sa probinsya o sa ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฅ?

Ano man โ€˜yan, ๐™ž๐™จ๐™๐™–๐™ง๐™š ๐™ข๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ! Baka pareho tayo ng ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ต, o baka may matutuhan kami sa kuwento mo. ๐—œ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ mo namanโ€ผ๏ธsa ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, pwedeng lsm๐Ÿฉท, essay๐Ÿ“œ, o kahit maikling salita. Kung gusto mong mang-inggit, may pa-picture๐Ÿ“ธ pa kung gusto mo! Tara naโ€˜t magkuwentuhan, ikuwento mo na โ€˜yan!






Kapsyon ni: Trisha Joy Tanguilan | Patnugot sa Pagwawasto
Disenyo: Trisha Joy Tanguilan | Patnugot sa Pagwawasto at Mary Celui Tabanao | Punong Taga-anyo

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | Naglilingkod-Bayan o Naglilingkod ba โ€™Yan?๐˜—๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต-๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ...
14/04/2025

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | Naglilingkod-Bayan o Naglilingkod ba โ€™Yan?

๐˜—๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต-๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ-๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ?

Sa paglapit ng halalan sa Mayo 12, muling haharap ang bawat Pilipino sa mahirap ngunit makapangyarihang tungkulin ng pagpili ng mga bagong pinuno. Isang malaking desisyon ang magaganapโ€”isang hakbang na magtatakda ng direksyon ng ating bansa.

Ngunit, sa tuwing dumarating ang halalan, tila ang mga kumakandidato ay sumasali sa isang malakihang talent showโ€”may pa-jingle, may pa-TikTok, at kung minsan, may samuโ€™t saring ayuda pa. Pero ang tanong: talento nga ba sa paglilingkod ang hinahanap natin? O nadadala na lang tayo sa porma at pabida?

Ang totoo, marami sa mga kandidato ang hindi naman talaga para sa bayan. Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism, may mga politikong may kaso ng katiwalian, pero muling tumatakboโ€”at malala, nananalo pa. Bakit? Dahil sa apelyidong kilala, kasikatang hatid ng TV at social media, o koneksyon sa mayayamang pamilya.

At hindi lang โ€˜yan. Pati ang mga party-list na dapat ay boses ng mga sektor na naaapi at nakakaligtaan ay pinasok na rin ng mga malalaking pangalan. Sabi nga ng Kontra Daya, 86 sa 156 party-lists ang hindi naman tunay na kinatawan ng marginalized sectors. Ibig sabihin, mahigit kalahati ay baka ginagamit lang ang sistema para sa pansariling kapakinabangan.

Halimbawa, mga party-list tulad ng 4PS, ACT-CIS, Duterte Youth, Tingog Sinirangan, Ako Bicol, FPJ Panday Bayanihan, at TGP ay may ugnayan umano sa mga political clan, negosyo, at militar. 4PS ay inuugnay sa pamilyang Abalos, ACT-CIS sa Tulfo at Yap, Tingog sa Romualdez, at FPJ sa mga Llamanzares at iba pang makapangyarihang angkan. Ang tanong: nasaan dito ang tunay na kinatawan ng maralita, manggagawa, o kabataan?

Hindi rin natin maaaring ipikit ang mata sa sunod-sunod na paglabas ng mga pahayag na hindi lamang bastos kundi malinaw na mapang-api. Kamakailan lang, ilang kandidato sa halalan 2025 ang nagbitaw ng malalaswang biro at mapang-abang mga komento sa kanilang mga panayam at pampublikong talumpatiโ€”mula sa seksismo, ageism, hanggang sa body shaming. Habang patuloy itong kumakalat sa social media, dumarami ang panawagan para sa opisyal na paghingi ng tawad at kaukulang parusa. Bilang tugon, ang anti-discrimination panel ng Commission on Elections ay naglabas ng show cause orders laban sa mga kandidatong lumabag, patunay na hindi natin dapat palampasin ang ganitong asal. Dahil kung sa panahon pa lang ng kampanya ay ganito na sila magsalita, paano pa kaya kung silaโ€™y maluklok sa kapangyarihan?

Dapat nating tandaan, lalo na ang kabataan sa susunod na henerasyon, na ang mga senador at kinatawan ay hindi lang palamuti o taga-abot ng ayuda. Sila ang gumagawa ng batas. Sila ang dapat tumindig para sa mga walang boses. Kaya kung ang iboboto natin ay hindi alam ang tunay na laban ng bayan, baโ€™t pa natin sila pauupuin?

Ang mga ganitong pagkukunwari ang dapat nating basagin. Dahil ang boto ng masang Pilipino ay hindi premyong ibinibigay sa mga sikat, kundi responsibilidad na dapat ipinagkakaloob lamang sa mga tunay na nararapat. Ang mga senador ay hindi artista. Ang mga kinatawan ay hindi disenyo sa Kongreso. Sila ay tagapaglikha ng batas, tagapagtanggol ng karapatan, at tinig ng sambayanang Pilipino.

Kayaโ€™t mahalaga ang papel ng botante, lalo na ng kabataang Pilipino. Sa panahong tila nilulunod tayo ng disimpormasyon, tayong mga kabataan ang kailangang maging ilaw ng katotohanan. Hindi sapat ang pagiging botanteโ€”kailangan tayong maging mapanuri, mulat, at matatag. Dahil kung ang ating pamantayan sa pagpili ay kasikatan sa YouTube o dami ng followers sa TikTok, tayo na rin mismo ang nagtulak sa ating bayan sa bangin ng panibagong pagkabigo.

Panahon na para maging matalinoโ€™t mapanuri. Hindi sapat ang galing sa kamera o dami ng followers. Mas mahalaga ang integridad, track record, at platapormang may laman. Huwag tayong paloko sa kasikatan nilang dala. Alamin kung sino ang tunay na may malasakit. Ang edukasyon at kamalayan ng mga botante at ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon ay susi upang makapili tayo ng mga pinunong tunay na maglilingkod sa bayan.

Bunsod nito, nasa ating mga kamay ang kapangyarihang baguhin ang takbo ng ating bansa. Sa darating na Mayo 12, gamitin natin ang ating kapangyarihan. Sa bawat balota, may kapangyarihang baguhin ang kinabukasan. Sa bawat bilog ng itim na tinta, naroon ang pagkakataong piliin ang tama, ang totoo, at ang tapat.

Piliin ang mga lider na talagang magsisilbi, hindi lang magsiselfie. At sa bawat tanong kung sino ang iboboto, itanong mo muna sa iyong sarili: โ€œNaglilingkod bayan ba talaga โ€™yan?โ€ Kung hindi, marapat lang na huwag nating iboto. Huwag nating hayaang malinlang tayo ng mga nagbabalat-kayong lingkod-bayan.

Isinulat ni: Andrei De Vera
KartEd ni: Junar Borres

01/12/2023
๐‹๐Ž๐Ž๐Š: 10 - BONIFACIO as they celebrate Quirino High Schoolโ€™s 66th Foundation Day, November 16, 2023!Photo by: Venice Abe...
18/11/2023

๐‹๐Ž๐Ž๐Š: 10 - BONIFACIO as they celebrate Quirino High Schoolโ€™s 66th Foundation Day, November 16, 2023!

Photo by: Venice Abelardo

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Qhs gallery posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category