28/06/2026
โLehitimo.โ Malalim ang kahulugan ng salitang ito. Madalas natin itong nakikita sa mga frat shirt, tarpoulin, at iba pang accessories. Pero ang tanong, alam mo ba talaga ang ibig sabihin nito?
Simple lang ang depinisyon, legitimate means lawful, valid, and authentic. Naayon sa batas, may wastong batayan, at tunay.
Ngayon, pagdating sa kapatiran, paano mo nasasabi na ang iyong sinasandalan ay lehitimo? Nahimay mo na ba ito? Nagsaliksik ka ba? O baka naman sumusunod ka lamang sa agos dahil kulang pa ang iyong kaalaman sa kasaysayan at mga pangyayari?
Ito marahil ang dapat pagnilayan.
Kung ang isang konseho o grupo ay sumuway, tumalikod, nagrebelde, at nagsarili mula sa mga nagtatag ng kapatiran, ngunit patuloy pa ring ginagamit ang pangalan, simbolo, at identidad nito dahil takot bitawan ang pagkakakilanlang iyon maaari bang basta na lamang nilang ideklara ang kanilang sarili na lehitimo?
Is that legitimacy, or merely a claim of legitimacy?
Sapagkat ang pagiging lehitimo ay hindi nakukuha sa paulit-ulit na pagbanggit ng salita. Hindi ito nakatatak lamang sa isang frat shirt. Hindi rin ito nabubuo sa propaganda o deklarasyon lamang.
Legitimacy comes from lawful authority, continuity, and adherence to the principles that established the organization in the first place.
Ang pagiging lehitimo ay makikita sa pagsunod sa lehitimong liderato, sa lehitimong Constitution, at sa mga prinsipyong itinaguyod ng mga nagtatag ng kapatiran.
Dahil ang tunay na kapatiran ay hindi dapat magligaw ng landas. Hindi ka nito ilalagay sa kapahamakan. Sa halip, ito ang aakay sa iyo, huhubog sa iyong pagkatao, at tutulong sa iyong maging isang mabuting mamamayan at mabuting Triskelion.
Sa huli, ang tanong ay hindi kung ilang beses mong sinabing โlehitimoโ ka.
Ang tanong ay: ang iyong mga pinaniniwalaan, sinusunod, at ipinaglalaban ba ay tunay na nakaugat sa lehitimong pinagmulan, lehitimong awtoridad, at lehitimong prinsipyo?
Sapagkat ang pagiging lehitimo ay hindi lamang isinusuot. Ito ay isinasabuhay.