11/09/2026
Nananawagan ang UP Geodetic Engineering Club, kasama ang UP Diliman University Student Council, sa agarang pagpapalaya sa limang paralegal na iligal na inaresto, kabilang ang ating mga kapwa Iskolar ng Bayan na sina Kenneth Castor ng UP Office of the Student Regent at RC Placido ng NNARA Youth UPD.
Sa kasalukuyan, kumakalap na ng pambail para sa ating kasama na si Kenneth Castor. Para sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring mag-scan ng QR Code sa ibaba upang makapagpaabot ng pinansyal na suporta.
Anumang halaga ay malaking tulong sa ating mga kasama.