15/07/2026
Buong puso pong ipinapahayag ng TAU GAMMA PHI – TAU GAMMA SIGMA, Sitio Militar Community Chapter (SMCC) ang aming taos-pusong pakikiramay sa lahat ng pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa Culiat Bridge. Batid naming napakabigat ng pagsubok na inyong kinakaharap, lalo na't humigit-kumulang 107 katao ang kasalukuyang nananatili sa evacuation center, at karamihan sa kanila ay mga inosenteng bata.
Sa gitna ng inyong pagdurusa, taos-puso naming ipinagdarasal na nawa'y pagkalooban kayo ng ating Poong Maykapal ng lakas, pag-asa, at tibay ng loob upang malampasan ang mabigat na yugto ng inyong buhay. Nawa'y magsilbing munting liwanag ang anumang tulong na aming naipagkaloob.
Kasabay nito, buong pagpapakumbaba kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga kapatid na, sa kabila ng aming mga nakatakdang proyekto, ay agad na tumugon at nagkaisa upang ipaabot ang tulong sa ating mga kababayang nasunugan. Muli ninyong pinatunayan na ang tunay na diwa ng pagkakapatiran, malasakit, at boluntaryong paglilingkod ay buhay na buhay sa bawat Triskelion.
Isang taos-pusong pasasalamat kina
GT Dexter Sendaydiego at GLT Glody Fajardo sa inyong pamumuno at maagap na pag supporta sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng sakuna. Ang inyong dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa ating samahan.
Hindi rin maisasakatuparan ang misyong ito kung hindi dahil sa sama-samang ambag ng bawat miyembro ng Sitio Militar Community Chapter—sa pamamagitan ng inyong salaping iniaambag, oras, lakas, at walang pag-iimbot na paglilingkod. Sa bawat Triskelion na nagpaabot ng tulong, taos-puso po kaming nagpapasalamat.
Taos-pusong pasasalamat kina:
Brod. INFO Com. Ivan. Brod. MKC Jerald
Brod. Dada. Brod. PJ
Brod. Tyga. Brod. MKS Ken
Brod. Jing. Brod. MWW Oying
Brod. Boyong. Sis. DGLT Ext. Grace
Sis. LMKS Joyce. Sis. INFO Com. Kim
Sis. DGLT Int. Antonette. Brod. Rodel
Brod. Matthew. Sis. LMWW Lanie
Sis. LMKS Blue
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Mr. Edgar Gacula sa kanyang walang sawang pagsuporta at pakikiisa sa aming mga adhikain. Sa bawat pagkakataong kinakailangan ang agarang pagtugon, lagi po kayong handang umalalay at tumulong sa ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit.
Hindi rin namin malilimutang kilalanin sina Mrs. Ivy Dolly Sabio Barrientos at Mr. Marck Franciz Casillano sa kanilang pangunguna sa paghahanda ng pagkain at sa aktibong pakikibahagi sa pamamahagi nito sa ating mga kababayang nasunugan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at suklian ang inyong kabutihan at malasakit sa kapwa.
📹 Video Coverage:
Marck Franciz Casillano
"Sa panahon ng kagipitan, higit na nagniningning ang tunay na diwa ng pagkakapatiran at malasakit. Ang bawat munting pagtulong ay nagiging malaking pag-asa sa mga pusong lubos na nangangailangan."