30/12/2025
Bago matapos ang taong ito 2025.
Mag balik tanaw tayo.
January 2025
Bagong taon, bagong buwan, bagong simula. Binigyan mo ako ng payapang pag iisip, pinalaya mo ako sa takot na pwedeng manyare sa bukas. Dinala mo ako sa isang payapang lugar na ang maririnig mo lang ay huni ng kuliglig at hampas ng hangin sa mga sumasayaw na puno ng pangarap.
February 2025
Lumabas ako ng bansa at pinuntahan ang bansa ng taiwan, nag lakbay nanaman akong mag isa, pero ito naman ang gusto ko, mag isa mas payapang pag iisip. Pinakita mo sa akin ang ganda ng taiwan, pinaramdam mo sa akin ang lamig ng klima ng bansang ito, na halos tatlong jacket na ang suot ko pero nilalamig pa rin ako. Pinaransan mo sa akin ang una kung pag laro ng nyebe. Mag lakbay at makakilala ng ibat ibang tao.
March 2025
Mahal kung bohol, sinong aalis sa lugar na to, ang aking pangatlong tahanan, matatawag kong payapang tahanan. Mag roadtrip pumunta sa malayong lugar, makinig sa tubig ng talon na patuloy na umaagos kasabay ng buhay at pangarap ko.
April 2025
Nag babalik ako sa ilo ilo hindi dahil may binabalikan akong tao, kundi ang ganda ng ilo ilo, na punta rin ako sa harap netong isla, guimaras. Pinakita mo sa akin ang simpleng buhay ng guimaras. Nag lakbay rin sa bacolod para makakain ng masarap na inasal at makita ang maskara, para maalis ko ang maskara sa muka ko na laging nakatawa kahit minsan nahihirapan na.
May 2025
Kinakabaduhan na sapagkat dalawang buwan na lang sasabak na sa surgery, pero may darating na tao para pakalmahin ka, dadalhin ka sa talon habang i kwekwento ang buhay nyo at mangangarap, pero alam mo walang permante sa mundo lahat pwedeng mawala kaya hindi ka susugal kahit alam mo sa sarili mo na nahuhulog kana. Pero itatago mo to dahil sya ang sumalba sa kalungkutan mo.
June 2025
Isang buwan na lang at surgury ko na, but itong buwan na to alam ko mag heheal ako, sa lugar na pupuntahan ko. Binisita namin ang Bali Indonesia, nag tatanong ano nga bang espesyal sa bansang ito? Yun ang gusto kong maranasan at malaman ang kasagotan. At nahanap ko ang kasagutan sa sampung araw na nag stay kami ng bali indonesia naranasan kong lumaya sa lahat, umiyak ng umiyak kahit sa pag heal ng physical at mental health ko. At umuwi ako ng pilipinas na buong buo.
July 2025
Subrang takot ko dahil itong buwan na to ang surgery ko ng gallstone, pinapa sa Dios ko na lang kung anong mang yayare sa akin, kung mamatay na ako? Tatangapin ko sapagkat buong buo na ako. But God gave me another life another change. Kaya hindi ko na sasayangin itong pangalawang buo na binigay nya. Lalaban pa ako, ilalaban ko pa to. Madami pa akong aayusin sa sarili ko. Ang daming nawala. Ang daming dumating. Nakilala ko lahat ng tunay na tao, mga taong pwede kung matakbuhan sa gantong situation.
August 2025
Lumipad ako sa manila dahil namiss ko ang manila at Quezon. Nakita ko muli ang ganda ng manila, na miss ko ang gulo at ingay ng manila. Mga ilaw sa binondo ang magagandang building sa BGC, mga museo na meron kang matutunan, at ang ganda ng simbahan ng intramuros. Mga kaibigan kung tunay sa quezon at pamilya kung supurtodo sa mga desesyun ko sa buhay.
September 2025
Hello, Vietnam and Cambodia. Masarap na kape ang pinunta ko sa vietnam gusto ko rin maranasan ang culture nila. Ang syudad sa gabi na subrang ganda ng ilaw, mga pag kain na masasarap, mga taong palakaibigan. At ang cambodia na subrang tahimik, sa subrang tahimik nakakabingi. Na parang kami lang ang tao sa lugar na yun, pero ang dami naming natutunan sa pag lalakbay na yun. At pag uwi mo may makikilala kang taong wawasak sa pag ka maangas mo.
October 2025
Nag babalik ako sa mahal kong bohol, gusto ko pang makita yung ibang lugar sa bohol. Dinala nya ako sa bundok na napaka ganda, na halos tanaw mo na ang langit, bughaw na langit, berding kapaligiran at dagat na halos hindi natigil sa pag alon gaya ng pangarap at pag mamahal ko. Subalit minsan darating yung oras na lahat ng makukulay na bagay na nakikita mo magiging isang kulay itim, na halos ipapadama sayo ang lungkot at pighati. Minsan magagawa mo pang mag makaawa dahil sa pag ibig.
November 2025
Unti unti ko inaayos ang sarili ko at lumayo kaya na padpad ako sa Kuala Lumpur Malaysia, yung iconic walk ko sa airport nawala dahil sa subrang pag ka lugmok ko, pero habang papalapit ako sa Syudad ng malaysia unti unti kong nararamdaman ulit yung excitement, hanggang sa na enjoy ko ulit ang aking pag iisa. Nag bisita rin ako sa ipoh malaysia at nag connect ulet ako sa nature para sa pag kabuo ng sarili ko muli. Mga bagong taong makikilala at papasukin sa buhay ko.
December 2025
Komunekta ulet ako sa nature, nag bisita ako sa camiguin, gaya ng bali indonesia na fully healed ako ng camiguin. May nag ask nga sa akin bakit mag isa akong nag tatravel at di sya makapaniwala, ang sagot ko lang mag nakikilala ko ang sarili ko, mas na proprotektahan ko ang sarili ko, naiienjoy ko ang aking pag iisa at mas madami akong natutunan at nagagawa. Yeah, i admit malungkot minsan mag isa. Lalo na pag sasapit ang buwan ng desyembre. Ang lamig, tapos ngayun taon pinadama ng buwan na to ang naramdaman ko nung college ako, mag isang mag birthday, mag isang mag christmas at mag new year. Somehow, hindi ako nag pa daig sa lungkot, may nakilala akong mga bagong tao. Bago pa mag tapos ang taon, may dumating na kaibigan, na magiging karamay ko. Never expect. Marahil hindi binigay ni God yung hinihiling or ninanais natin dahil pinorotektahan nya tayo sa mag masakit na pwedeng sumapit, kaya ngayun binigay nya yung hindi mo hinihiling, yung ang tagal na nya dyan sa tabi hindi mo lang nakikita dahil na bulag ka.
2026 mas iingatan ko na ang sarili ko, iingatan ko na ang puso.
Isasarado ko na ang kwentong ito, isasarado ko na ang kabanatang ito.
Susulat ulit ako ng bagong kwento ng buhay ko.
Iiwan ko na ang naraan na nag dadala ng pain sa akin.
Hihingi rin ako sa tawad sa sarili ko.
Im sorry to myself.
Im sorry for self sabotage.
Im sorry for overreact.
Im sorry for begging.
Im sorry for trusting the wrong person.
Im sorry for believing that's true love.
Im sorry for not thinking.
Im sorry for that drama.
Im sorry for ruin the perfectly good moments for youself and others.
Im sorry for the burn out.
Im sorry for the hurting.
Im sorry for that nightmare.
Im sorry for that trauma.
Im sorry for denying any wrong doing.