12/02/2025
ABISO PUBLIKO π’
Ang Protected Area Management Board (PAMB) ng Pamitinan Protected Landscape (PPL) ay napagpasyahang pansamantalang ihinto ang mga aktibidad sa Montalban River mula sa ika-17 ng Pebrero hanggang ika-9 ng Marso, 2025. Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang River Clean-up sa kahabaan ng Montalban River mula sa Sitio Wawa hanggang Sitio Kayrupa sa Brgy. San Rafael, Rodriguez (Montalban), Rizal.
Kaalinsunod nito, tanging ang mga pang-ekoturismong gawain lamang sa Montalban River tulad ng paliligo at pagbabangka ang pansamantalang isinasara habang ang iba pang aktibidad sa loob ng PPL ay bukas pa rin sa publiko. Ang gawaing ito ay upang tugunan ang bumababang kalidad ng tubig batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral noong taong 2024. Lumabas sa resulta nito na mataas ang F***l Coliform sa Montalban River. Ito ay isang uri ng bakterya na matatagpuan sa dumi ng tao at hayop na maaring magdulot ng sakit. Naitala ang pinakamataas na resultang 16,000 MPN/100 ml. f***l coliforn sa Montalban River na dapat ay hindi tataas sa 200 MPN/100ml upang umayon sa pamantayan ng DENR.
Ang Montalban River ay nasa klasipikasyon C na tumutukoy sa klase ng tubig na maaaring paliguan, pangisdaan, at gamitin sa pang-agrikultura. Ito ay parte ng konserbasyon na ginagawa sa loob ng pinangangalagang pook upang patuloy na maengganyo ang mga turistang dumadayo at mapanatili ang kaligtasan ng mga naninirahan malapit sa ilog.
Hinihikayat ang pakikiisa ng lahat habang isinasagawa ang paglilinis sa lugar.