09/08/2026
๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐
Sa panahong makabago, unti-unting lumalawak ang paggamit ng teknolohiya at iba't ibang wika sa pang-araw-araw na buhay. Sa pakikipag-usap, pagbabasa, at pakikipag-ugnayan ng mga kabataan, madalas na ginagamit ang wikang Ingles. Kasabay nito, ipinagdiriwang tuwing Agosto ang Buwan ng Wika, isang panahon na binibigyang-pansin ang kasaysayan, kultura, at mga wikang bahagi ng pagkakakilanlang Pilipino.
Isa sa mga kabataang lumaki sa ganitong panahon si Juan Dela Cruz.
Estudyanteng mahusay makipag-usap sa mga tao at mahilig magbasa ng mga libro at nobelang nasa wikang banyaga. Araw-araw, madalas niyang ginagamit ang Ingles sa pagbabasa at pakikipagkomunikasyon.
Sa kanilang asignaturang Filipino, nagbigay ang kanilang g**o ng takdang-aralin bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Inatasan ang klase na magsaliksik tungkol sa wikang Filipino, kasaysayan nito, at mga taong naging bahagi ng paghubog nito. Ipapahayag din nila sa wikang Filipino ang kanilang mga nakuhang impormasyon.
Habang ginagawa ni Juan ang kaniyang pananaliksik, natuklasan niya ang iba't ibang wikang ginagamit sa Pilipinas at ang mga kuwentong kaugnay ng mga ito. Kabilang sa kaniyang nabasa ang tungkol kay Manuel L. Quezonโang Ama ng Wikang Pambansa na naging mahalagang bahagi sa pagtataguyod ng ating wika ngayon.
Nalaman din niya ang tungkol kay Dr. Jose Rizal at sa kaniyang paggamit ng panulat sa pagpapahayag ng mga kaisipan tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo.
Sa pag-usad ng kaniyang pagsasaliksik, nakita ni Juan ang ugnayan ng wika sa kasaysayan at kultura ng bansa. Ang mga salita, paraan ng pagpapahayag, at mga wikang ginagamit ng iba't ibang pamayanan ay bahagi ng mga kuwentong naipapasa mula sa isang salinlahi patungo sa susunod. Sa kaniyang gawain, naging daan ang wika upang masuri niya ang mga impormasyong kaniyang natuklasan tungkol sa bansa.
Nang dumating ang araw ng kanilang pag-uulat, inilahad ni Juan sa wikang Filipino ang kaniyang mga natutuhan. Ang dating estudyanteng mas sanay magbasa sa wikang banyaga ay nagsalita tungkol sa kasaysayan ng sariling wika at sa mga taong naging bahagi nito.
Sa pagtatapos ng kaniyang gawain, nanatili kay Juan ang mga bagong impormasyong kaniyang natuklasan tungkol sa wikang Filipino. Mula sa isang takdang-aralin, nakilala niya ang mga bahagi ng kasaysayan, kultura, at mga wikang bumubuo sa bansa.
โขโขโข
Words | Sean Andrhey Gundran
Layout | Jairah Tinapao