24/06/2026
Mas malungkot pala ang pagtapos ng libing, kaysa sa bawat araw ng burol.
Mas malungkot pala ang katahimikang naiwan, kaysa sa iyakang kasabay ng burol. Dahil ang iyak, kahit papaano, may kasamang mga bisig. May tapik sa likod. May sabay na buntong-hininga.
Pero kapag natapos na ang lahat, kapag nailibing na, kapag wala nang sapilitang lakas na kailangang buuin para tumanggap ng bisita—saka mo mararamdaman ang tunay na bigat.
Pagkatapos ng libing, nagsisimula na ang katahimikang hindi kayang punan ng kahit anong ingay sa paligid.
Ang bahay ay nananatili, pero mas maluwag—hindi sa espasyo, kundi sa presensya.
At ang kalungkutan, doon na talaga tumitira. Tahimik, pero palagian.
Rene Baterbonia 2.0 Rovelyn Baterbonia