17/08/2026
โจ LINGGO NG KABATAAN & KK ASSEMBLY 2026 โจ
Isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan & KK Assembly 2026 ang ginanap noong August 15, 2026, na nagsimula sa ganap na 9:00 AM. ๐๐
Pinangunahan ang Invocation ni Hon. Erwin Relator, na sinundan ng mainit na pagbati at mensahe ng aming SK Chairperson, Hon. Jessie V. Venus Jr., kasama ang patuloy at buong-pusong suporta ng aming butihing Barangay Captain, Hon. Teodoro A. Zacarias.
Nagkaroon din ng masiglang Zumba na pinangunahan ni Hon. Bermie Fillarca, bago nagsimula ang makabuluhang Symposium kasama ang aming mga resource speakers na sina Sir Ronecx C. Aguirre at Madam Reynan Frans San Gabriel. Maraming salamat po sa inyong oras, kaalaman, at inspirasyong ibinahagi sa ating mga kabataan. ๐ค๐
Isinagawa rin ang KK Assembly Report, kung saan tinalakay ng aming SK Chairperson ang mga programa, proyekto, accomplishments, budget, at iba pang mahahalagang usapin ng Sangguniang Kabataan. Sinundan ito ng Raffle Draw at Distribution of Educational Cash Assistance para sa ating mga kabataan. ๐๐๐
Sa pagtatapos ng programa, ibinahagi ni Hon. Rene Boy Casimero ang Closing Remarks, bilang pagtatapos ng isang araw na puno ng kaalaman, saya, pagkakaisa, at suporta para sa kabataan. โค๏ธ
Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa, sa ating mga SK Officials, Barangay Officials, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programang ito.
Para sa kabataan, kasama ang kabataan! ๐ชโจ