Triple D Digital Photo Services

Triple D Digital Photo Services Trusted Work. Design with Quality. Detailed Editing. Polished Service.⚡🏆 Photography

Happy Valentine's Day!
13/02/2026

Happy Valentine's Day!

Viva Señor Sto. Niño! 🙏❤️Sa araw ng kapistahan ng Mahal na Poong Sto. Niño, ipinagdiriwang natin ang walang hanggang biy...
17/01/2026

Viva Señor Sto. Niño! 🙏❤️

Sa araw ng kapistahan ng Mahal na Poong Sto. Niño, ipinagdiriwang natin ang walang hanggang biyaya, pananampalataya, at pagmamahal ng Diyos. 🌟

Mula sa Triple D Digital Photo Services, Sa Pangunguna ni
G. Eddie M. De Villa, ay isang taos-pusong pagbati para sa lahat ng mga deboto at mga mananampalataya. Nawa’y magpatuloy ang liwanag ng Sto. Niño sa ating mga puso! ✨

Muli, Maligayang Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol!

09/01/2026
Masagana at Manigong Bagong Taon po mula sa Triple D Family!Habang sinasalubong namin ang panibagong taon, dala namin an...
31/12/2025

Masagana at Manigong Bagong Taon po mula sa Triple D Family!

Habang sinasalubong namin ang panibagong taon, dala namin ang pasasalamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta.

Nawa’y maging masagana, matagumpay, at puno ng bagong oportunidad ang darating na taon para sa ating lahat.

Patuloy kaming magseserbisyo nang may kalidad, dedikasyon, at puso. ✨📸

Goodbye 2025, Hello 2026!

🎄 Maligayang Pasko! 🎄Mula po sa Triple D Digital Photo Services, sa pangunguna ni G. Eddie M. De Villa, kami ay taos-pus...
21/12/2025

🎄 Maligayang Pasko! 🎄

Mula po sa Triple D Digital Photo Services, sa pangunguna ni G. Eddie M. De Villa, kami ay taos-pusong bumabati ng isang masaya, payapa, at makabuluhang pasko sa inyong lahat.

Nawa’y mapuno ang bawat tahanan ng pagmamahalan, pagkakaisa, at pag-asa, at magsilbing paalala ang Pasko ng kahalagahan ng pamilya at pasasalamat.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong tiwala at suporta sa amin. Asahan ninyo na patuloy naming paghuhusayin ang aming serbisyo upang maging bahagi ng inyong mahahalagang alaala.

17/12/2025

🎉 TAOS-PUSONG PAGBATI! 🎉

Ipinagdiriwang ng Triple D Digital Photo Services ngayon ang ika-17 taon ng pagkakatatag at ika-5 taon ng pagkakabukas sa Banoyo, San Luis, Batangas.

Sa pamumuno ni G. Eddie M. De Villa, patuloy naming pinahahalagahan ang kalidad, dedikasyon, at tapat na serbisyo sa pagkuha ng inyong mahahalagang alaala.

📸✨ Maraming salamat sa patuloy na tiwala at suporta!

Naki-uso man ang panahon, nananatili ang aming pangako sa kalidad. Sa Triple D Digital Photo Services, patuloy kaming um...
27/11/2025

Naki-uso man ang panahon, nananatili ang aming pangako sa kalidad. Sa Triple D Digital Photo Services, patuloy kaming umaangkop sa makabagong teknolohiya at modernong pamamaraan ng photography upang maibigay ang pinakamahusay na serbisyo sa aming mga kliyente. Hindi kami magpapahuli sa inobasyon at propesyonalismo, sapagkat ang inyong tiwala ang aming pinakamahalagang inspirasyon.

TRIPLE D NA TAYO!

Sa mga oras na patuloy ang pagbuhos ng ulan at pag-ihip ng malalakas na hangin, nawa’y ang bawat isa sa atin ay manatili...
09/11/2025

Sa mga oras na patuloy ang pagbuhos ng ulan at pag-ihip ng malalakas na hangin, nawa’y ang bawat isa sa atin ay manatiling ligtas, mapag-matyag, at matatag.

📌 Paalala:
✅ Manatili sa loob ng tahanan kung hindi kinakailangang lumabas
✅ I-charge ang mga importanteng kagamitan tulad ng gadget, flashlight, at iba pa.
✅ Ihanda ang mga emergency kit
✅ Maging alerto sa mga babala ng panahon na ibabalita ng mga awtoridad ng pamahalaan.

Panalangin:
Aming Diyos na makapangyarihan, sa gitna ng unos at ulan, kami po ay dumudulog sa Inyo. Kami po’y humihiling ng proteksyon para sa bawat pamilya, ng lakas ng loob para sa mga nasasalanta, at pag-asa sa kabila ng unos. Gabayan N’yo po ang aming bayan at panatilihing ligtas ang lahat. Amen.

Magkaisa po tayo sa panalangin at malasakit.
Mula sa aming puso, mag-ingat po tayong lahat.

--------------------

Ang Lalawigan po ng Batangas ngayon ay nakataas sa SIGNAL NO. 3 at ang Bagyong Uwan po ngayon ay SUPER TYPHOON na. Tayo po ay manalangin sa panginoon🙏🏽🫂.

PAUNAWA MULA SA TRIPLE D DIGITAL PHOTO SERVICES Sa lahat po ng aming mga suki at taga-suporta:Pansamantala po munang iti...
08/11/2025

PAUNAWA MULA SA TRIPLE D DIGITAL PHOTO SERVICES

Sa lahat po ng aming mga suki at taga-suporta:

Pansamantala po munang ititigil ang operasyon ng TRIPLE D DPS dahil sa maaaring patuloy na malakas na ulan, hangin, at paniguradong hindi matatag na suplay ng kuryente. Bagama't may kuryente sa ilang oras, ito po ay may posibilidad na biglang nawawala at bumabalik, na lubhang nakaka-apekto sa aming operasyon.

Bukod dito, wala rin po sa mismong shop ang aming pamilya na siyang nangangasiwa sa TRIPLE D DPS, at pansamantala pong lumisan para sa kaligtasan ng lahat.

Sa ngayon ay nasa SIGNAL NO. 1 ang buong LALAWIGAN NG BATANGAS. Kung kaya't tayo po ay maging maingat at mapagmatyag sa lahat ng oras.

Nawa'y ang balita mula sa bagyong ay magbago at humina ayon sa kalooban ng diyos.

Sa oras na bumalik ang normal na panahon at maging ligtas ang lahat, agad din pong magbabalik ang aming operasyon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Mag-ingat po tayong lahat. 🙏

— Triple D Digital Photo Services Family

TRIPLE D DIGITAL PHOTO SERVICESNakikiisa sa paggunita ng UNDAS 2025🕯️Sa mga araw na ito, alalahanin natin ang ating mga ...
01/11/2025

TRIPLE D DIGITAL PHOTO SERVICES
Nakikiisa sa paggunita ng UNDAS 2025🕯️

Sa mga araw na ito, alalahanin natin ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw gayundin naman ang mga banal.

Ipanalangin natin ang kanilang kapahingahan sa piling ng Diyos na may walang hanggang liwanag at kapayapaan.

🙏 “Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them.”

Pagsundo at Pamamaalam sa Mahal na Birhen ng Caysasay 💙🙏Matapos ang Kaniyang mapagpalang pananatili sa aming tahanan, sa...
28/10/2025

Pagsundo at Pamamaalam sa Mahal na Birhen ng Caysasay 💙🙏

Matapos ang Kaniyang mapagpalang pananatili sa aming tahanan, sabay-sabay naming sinamahan ang Mahal na Birhen sa pamamaalam sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagbasa ng Salita ng Diyos.

Kasunod nito ay ang paghahatid ni Davin Dane A. De Villa kasama ang mga Prayer Warriors sa susunod na titirhan ng Birhen.

Lubos ang aming pasasalamat sa biyayang maipagdasal at makapiling Siya magdamag at maghapon. Nawa’y patuloy Niyang ipanalangin at pagpalain ang bawat pamilya. 💛

Para sa mga nagnanais makapanood ng buong paghatid at pamamaalam, naka-live po ito sa aking mismong account (De Villa Davin Dane).

Pasasalamat mula sa:
Triple D Digital Photo Services 📸✨

---------------------------

Sa mga nagnanais po na mapanood ang FB LIVE, ito po ang Link.

https://www.facebook.com/share/v/1CXn7qLqfj/

Address

San Luis
2014

Opening Hours

Monday 7am - 7pm
Tuesday 7am - 7pm
Wednesday 7am - 7pm
Thursday 7am - 7pm
Friday 7am - 7pm
Saturday 7am - 7pm
Sunday 7am - 7pm

Telephone

+639338141693

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Triple D Digital Photo Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Triple D Digital Photo Services:

Share

Category