17/05/2022
San Narciso Zambales
Travel Time: 3.5 hours from Metro Manila
Accomodation: 4⭐/5⭐
Food: 4⭐/5⭐
Mango: 5⭐/5⭐
Beach: 4⭐/5⭐
Locals: 5⭐/5⭐
San Narciso, pauwi nanaman ako. Iikot nanaman ang isang buong kalendaryo sa pag balik ko.
Bakit nga ba ko humaling na humaling sayo? Hindi naman ganun kabilis ang wifi mo, hindi din naman white sand ang beach mo at wala ka din naman malalaking malls tulad sa Manila.
Na realized ko, hindi ko naman kailangan ng malakas na wifi,kasi hindi naman ako nag punta dito para mag post ng pictures sa IG, mag myday sa FB o mag tiktok. Alam mo San Narciso pinupuntahan kita dahil nilalayo mo ko pansamantala sa maingay na mundo na pangkaraniwan kong ginagalawan. Traffic, ingay at kung ano ano pang toxic na bagay. Kasi sayo... Tahimik lang.
At hindi mo man kasing bonga ang Boracay, wala pa din papantay sa ganda ng Sunset at mga pawikan mo.
Hindi mo kailangan ng Mall na mapapasyalan, dahil kulang ang mag hapon para puntahan ang mga magagandang lugar mo at tikman ang masasarap na putahe mo kasama ang locals.
Sabi nga ni Tin "Bat hindi mo i-share ang San Narciso?" Pero minsan madamot ako. Pero deserve mo puntahan. Sobrang deserve!
Babalik ako.... Paulit ulit.
- Sapatos na Gala
San Narciso Municipal Tourism
Zambales Tourism
Crystal Beach Resort, Zambales
Zambawood
Prince JB's Seafront Beach Resort Zambales
Kakay Beach Resort
Julyan's Surf BnB at Zambawood