02/10/2023
β οΈπππππππ ππ πππππππβ οΈ
Ang text message na ito ay scam.
Hindi totoo na ang kumakalat na text message na ang lahat ng senior citizen ay makatatanggap ng Php1,000 kada buwan o Php3,000 kada tatlong buwan sa ilalim ng National Commission for Senior Citizen (NCSC), na magsisimula ang pamamahagi sa March 2023.
Para sa kaalaman ng lahat, ang social pension ng pamahalaan ay binibigay lamang sa mga mahihirap at kuwalipikadong senior citizens sa bansa. Sa ngayon, Php500 pa rin kada buwan ang natatanggap ng mga social pensioner sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.
Ang karagdagang pondo para maging Php1,000 ang monthly pension ay kasalukuyang pinapaaprubahan para sa 2024 National Budget.
Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga text message na hindi nanggaling sa credible at reliable source tulad nito.
Dahil sa DSWD, bawal ang fake news! Labanan ang fake news.