Jhon Reld, kapitik

Jhon Reld, kapitik photographer

Spoken poetry Na pinamagatan na"AKOY NAGKAGUSTO SA TAONG WALA NAMAN AKONG PAG ASA"Sisimulan ko sa umpisa nung una kitang...
17/06/2023

Spoken poetry
Na pinamagatan na

"AKOY NAGKAGUSTO SA TAONG WALA NAMAN AKONG PAG ASA"

Sisimulan ko sa umpisa nung una kitang makita
Na sobrang ganda
Natutulala ako sa pagka princesa ng muka mo
Kaya naman akoy nagkagusto sayo

Palihim na nararamdaman
Pag ibig na kay hirap takasan
Sa araw araw na ikay nasisilayan
Tuwing papasok sa skwelahan

At pag labas ng pintuan ikaw aking nasa harapan
Tila ba akoy kinakabahan
di ko alam kung paano ito lalabanan
At kunwari hindi ka tinitignan

Ayoko kasi na iyong malaman
na ikay aking nagugustuhan
Kasi nga ay napaka torpe ko
Tila ba ikaw ay aking gustong maligawan

Kaya naman nag lakas loob ako
Na mag hanap ng social media account mo
Para kahit papano mag ka communication tayo
Laking tuwa ko nung inacept mo ako

Halos abot langit yung ngiti ko
Pakiramdam ko tuloy ako na yung pinaka masayang tao sa buong mundo
At nag pakita ka ng motibo
Nung nag chat ako sayo

Halos sobrang bilis ng mga reply mo
Kaya naman naganahan ako
At pinag patuloy ko
Enden one time naisipan ko na

Ikay aking ikwento sa kaibigan ko
At ikaw ang ginawa kong topic naming dalawa
Kasi gusto kong makilala kapa
At gusto ko ding malaman

Kung may boyfriend kana ba
At naisipan kodin tanungin yung isa kopang kaibigan
Na mas kilala ka nya
At tinanong ko nga sya about sayo

Kung may bf kana ba
At nalaman ko na meron ka palang gustong iba
Ansakit diba!
Kase yung dapat tayo ay naging kayo

At sinabi ko sa sarili ko na ititigil kona
Ayoko na
Ayoko ng mag paka tanga
Ayoko ng ibigin kapa

Mahal pasensya
Akoy mamamaalam na
Pinag kait yung saya
Na kahit kailan

hindi ko hinangad sa iba
At ako naman na nag papaka tanga
na todo suporta
senyong dalawa

Ayoko kasing malaman mo
na nakakasakit kana
Bagay kayo
Pero sana

inisip mo
Na yung nasa isipan ko na
mas bagay tayo
Aalis nako sa tabi mo

Pero sana inisip mo
Na yung nasa isipan ko na
Wag pigilan moko
Bakit kasi hindi nalang ako?

Ako lang naman
Yung nag mahal ng todo
Yung tipong ibibigay lahat sayo
Kasi ginawa kitang mundo

At yon
At yon ang pinaka pinag sisihan ko
Na yung dapat tao
Ay hindi pwedeng gawing mundo

Sana
Wag sayangin ng taong pinili mo
Ang pag mamahal mo
Na tanging hangad ko....

✍️JHON RELD B SANTOS
✍️JUNE:17:2023

23/05/2023

How to be you, Brenda Mage?

Spoken poetry Gusto kitaMasaya Lalo na kung nakikita kita,Nakikita kitang ngumingiti,Nakakakaba, lalo na pag kausap ka, ...
23/05/2023

Spoken poetry

Gusto kita

Masaya
Lalo na kung nakikita kita,
Nakikita kitang ngumingiti,
Nakakakaba,
lalo na pag kausap ka,

Pag kausap ka habang nakatitig ka saking mga mata,
Nakakalito,
Kasi di ko alam kung pano,
Kung pano ko nadama ang bagay nato,

Oo nakakalito
Di ko alam kung bat nararamdaman koto,
Di ko alam kung bat palagi kang nasa isip ko,
Di ko alam kung bat nag kakaganito ako,

Basta ang alam ko masaya ang puso ko,
Bakit ikaw pa ang nanaisin,
Kung hindi ka naman mapapasakin,
Sana ay ang iyong tingin,

ay hindi na pinansin,
Para wala nang nabuong pag tingin,
Pero nag papasalamat padin ako,
Kahit na hindi ako ang gusto mo,

Kaya mali ba na ang inibig ay ikaw,
At sa puso koy ngalan mo ang sinisigaw,
Mali ba, na piliin kang hawakan habang buhay,
At tangkilikin kang akin kahit di tayo bagay,

Mali ba na ikwento kung paano mo ako pina kilig,
Na sa bawat sandaling nagtatama ang ating mga titig,
Natutunaw akot malakas ang tibok ng aking dibdib,
At sa pag sasalitay utal utal ang aking tinig,

Mali ba, na gustuhin ka sa paraan na alam ko?
Pinag mamasdan ka ng patago,
Pangangaraping maging tayo,
At hihilingin sana ako nalang ang taong mahal mo,

Ngunit pantayan siya'y di ko kaya,
Maging tulad nya'y di ko rin magagawa,
Bagkus iibigin kita ng higit pa sa sobra,
Higit na mas higit kaysa sa kanya,

Kaya't mali ba, na isiping ikaw ang hiniling sa may kapal?
Ang sagot sa malalalim kong dasal,
Ang taong hinintay ko ng kay tagal,
Ngayoy naririto ngunit nasa iba ang diwat dangal

L. D. R long distance relationship L.d.r. tatlong letra Isang uri ng relasyon Oras,panahon,distansyaLangit at lupa ang p...
26/02/2023

L. D. R
long distance relationship

L.d.r. tatlong letra
Isang uri ng relasyon
Oras,panahon,distansya

Langit at lupa ang pagitan nating dalawa
At ang kamay ng ating orasan di man tugma walang araw na di mabilang na
MAHAL KITA
Pero sinta kakayanin natin to diba?

Dahil sa distansya ang dahilan Relasyong iniiwasan ng karamihan
Wala itong patutunguhan
dahil puro pangako lang kung minsan na punong puno ng pag mamahalan

Ito ang relasyong puno ng pag sasakripisyo pag titiis at pag titiwala relasyong puno ng pag hihintay
Puyatan at minsan pag luha
Yung tipong minsan mapapagod kana
Pero di mo magawang sumuko

Dahil mas matibay ang pag mamahal mo sa kanya yung tipong iiyak ka nalang
Dahil miss na miss mona sya at gusto mo na syang makita bawat araw pag gising mo
Sya agad ang nasa isip mo napa isip ako kung pano nga ba natin to matatagalan

Ang nadarama kong kalungkutan
sana ay ika'y muling masilayan
Mga ngiti mong sakin ay nag papagaan
mga kamay mong gustong mahawakan
Mga mata mong kay sarap pag masdan

Pinag layo man tayo ng kapalaran
Pero lagi mong tandaan ikaw lang ang babaeng pag sisilbihan at aalayan
Sa pusong ikaw lamang ang nilalaman

L.D.R hindi distansya ang pagitan. Tiwala sa isat isa ang kailangan

Marami sa mag kasintahan ang magkalapit pero nagawa paring ipag palit

Tiwala, respeto, at pagmamahal ang sangkap sa relasyong tumatagal.

WRITTEN BY:JHON RELD SANTOS✍️

26/02/2023

OKAY NGA LANG BA TALAGA AKO?

Tinanong ko minsan ang sarili ko, okay lang ba ako?
At ang tanging nasa isip ko, siguro okay nga lang ako...
Simulan natin ang istorya kung saan labis akong nasaktan.
Nasasaktan sa mga naririnig na mga salita.
Salitang hinding hindi ko makakalimutan na ang naging dulot ng puso ko'y nagdurusa.
Minsan natanong kop ang sarili ko,okay paba ako?
O sadyang nagiging okay lang dahil natatakot ako baka pagsabihan nanaman ako na talo ako.
Talo ako sa mga problemang kahit kailan hindi ko pinag laban
Mga problemang basta basta ko nalang tinatakasan
Pano ko ba naman ipag laban kung sa paligid ko'y nauunahan na akong husgahan
Husgahan na kahit kailan di ko maiwasang mapaiyak nalang habang naririnig ang mga salita at ako'y nasasaktan.
Na kahit anong iwas ko nahahanap nila ako, nakikita nila ang mali ko.
Na kahit mismo pamilya ko hindi tanggap kung sino ako.
Minsan natanong ko sa sarili ko, may halaga pa ba ako sa inyo
May tao pabang takot mawala ako ?
May nakakarinig paba ng dinadamdam ko?
Tila yata'y nag iisa nalang ako
Libo libong tanong ang nasa puso't isip ko
Pero ni isang sagot wala ako.
Kaya sa MULI tinanong ko ang sarili ko, okay paba ako?
Laking gulat ko't sinambit ng puso ko, "Oo okay ka at magiging okay ka",

WRITTEN BY:JHON RELD SANTOS✍️

26/02/2023

Kailan?
Kailan mo nga ba masasabing mahal ka?
Kung pinipili kalang naman dahil ikaw ang nandyan pag may problema sya?

By:jhon Reld

"spoken poetry"-L.D.R-Tatlong letra isang uri ng relation ORAS,PANAHON,DISTANSYANa may mabibigat na pagsubok Karagatan a...
25/02/2023

"spoken poetry"
-L.D.R-

Tatlong letra
isang uri ng relation
ORAS,PANAHON,DISTANSYA
Na may mabibigat na pagsubok

Karagatan ang pagitan nating dalawa
Ang kamay ng ating orasan na hindi mag
tugma
walang distansya ang hindi masukat ang MAHAL KITA
Pero sinta, kakayanin natin to diba?

Ang kamay ng orasan natin ay di man tugma ang mahalaga, ang pintig ng puso nating dalawa ay iisa
2malapit man o malayo, Pareho lang yun kung magiging tapat tayo sa isn't isa
L.D.R andito ako, andyan ka

Sana kahit wala ako sa tabi mo
Na gahit gano pa kalayong distansya yan
ako at ikaw ay mananatiling isa
at sa dulo ay magiging magkasama

25/02/2023

Spoken poetry
By:Jhon Reld Santos

"PANGARAP"

Mula pag ka bata ako ay nangako
sa aking sarili na akoy di hihinto
sa pag abot ng aking ginto
di hahayaang ito ay mapako

nag sunog ng kilay
gumawa ng mahusay
umasang lahat ay mag bibigay
ng resultang matagumpay

ngunit tahakin
di madaling lakbayin
tone tone lading buhangin
ang naka hain

sa kabila ng lahat
ako ay mag susumikap
hahamakin ang lahat
ng mga balakat
tatahaking matuwid
ang daan patungo
sa aking pangarap

24/02/2023

Address

Rajal Sur
Santa Rosa
3101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jhon Reld, kapitik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share