16/02/2025
Isang taos-pusong pasasalamat mula sa Lente Ala Eh!
Sa aming mga models, maraming salamat sa inyong tiwala at walang pag-aalinlangang pagpayag sa photoshoot. Ang inyong dedikasyon at pagiging bukas sa aming proyekto ay tunay na kahanga-hanga. Napakalaking bahagi kayo ng tagumpay nito, at di namin malilimutan ang inyong suporta.
Sa aming mga talented na makeup artists, saludo kami sa inyong sipag at husay. Alam naming hindi biro ang maglaan ng halos buong araw para sa amin, lalo na’t ginawa ninyo ito nang buong puso kahit walang kapalit. Ang inyong effort ay napakalaking bagay para maipakita ang ganda ng aming proyekto.
At siyempre, sa aming mga kapwa photographers, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa Lente Ala Eh. Ang inyong pagkakaisa at dedikasyon ang nagbibigay inspirasyon sa aming grupo para mas pagbutihin pa ang aming craft.
Ang inyong tulong at malasakit ay hindi matatawaran. Hindi ito magiging posible kung wala ang bawat isa sa inyo. Mula sa puso ng buong Lente Ala Eh, maraming, maraming salamat! 🙏💖
HMUA'S:
---Matahom Glam Team
---Ella Dela Riva Team
---Enhance beauty by.Greg Bruce
MODELS:
---Melvin Moises
---Andrea Kate Malapitan
---Ehna Zabina
---Eanica Ducanes
---Maxima Endaya