09/09/2022
β€
LATHALAIN | Bilao ng Buhay: Paika-ika ngunit Makulay na Kwento ng Buhay ni Donna the Explorer
Sa ating mga kamay nagsisimula ang guhit ng buhay. Nasa atin din ang desisyon kung gagawin natin itong maganda at makulay o malungkot at pabagal-bagal. Ngunit paano kung ang kakayahang gumuhit ng buhay at minsaβy nagbigay kulay sa marami ay kanya nang tinalikuran at tuluyang kinalimutan?
Sa bayan ng Tagkawayan ay matatagpuan ang isang pintor na minsang nagbigay kulay sa mga dingding ng paaralan at tumulong sa proyekto ng mga batang itinuring niyang pamilya. Siya si Fernando Alaon o mas kilala bilang Donna o Mommy Donna, isang pintor na may kapansanan sa paglalakad at kamakailan ay umingay ang pangalan dahil sa mga kamangha-manghang obrang pinta sa mga bilao.
Mula pagkabata ay hilig na ni Donna ang pagpinta, kahit walang pormal na pagsasanay β hindi iyon naging hadlang upang mapayabong ang kaniyang kakayahan. Marami siyang mga obrang nagawa partikular ang mga iginuhit niya sa ilang paaralan. Hindi rin siya papahuli sa pagtuturo at pagtulong sa mga kabataan pagdating sa kanilang mga proyekto. Tunay na ginintuan ang kanyang puso sapagkat ginagawa niya ito ng walang anumang kapalit na halaga.
βNaalala ko pa βnung bata ako, nasa elementary hanggang high school eh nagpapatulong at nagpapaturo ako kay Mommy Donna tuwing may projects ako sa school,β pagbabahagi ni Sir Zaldy Sayat, g**o sa Tagkawayan NHS.
"Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na magturo ay magtuturo ako para i-share βyung kaalaman ko sa mga bata," saad ni Donna.
Sa paglipas ng panahon, tila nabaliwala ang kaniyang talento sa pagpinta. Palibhasa ay hindi napapansin at inakalang hindi nabibigyang pagpapahalaga ang mga gawa niya. Pagseservice kung tawagin ang ginagawa niya. Lakad dito, lakad doon, ngunit tila walang nagbabago β hindi pa rin maasam ang buhay na kaniyang nais makamtan dahilan para pansamantala niya itong talikuran.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mula pagkabata ay mayroon na siyang pilay na hanggang ngayon ay kaniyang dinaramdam. Ngunit kahit minsan ay hindi niya itinuring na hadlang ang kaniyang kapansanan, bagkus ay ginawa pa niya itong inspirasyon para magpatuloy sa buhay.
"Hindi hadlang sa'kin yung sakit ko. Never naging hadlang 'to para sa'kin," pahayag niya.
May isang pagkakataong napalayas na siya sa kaniyang tinitirahang bahay. Ngunit dahil sa tulong ng kaniyang mga kaibigan ay nakahanap siya ng panibagong tirahan. Bahay β ito lamang ang tangi niyang hiling, gaya nang isa sa kaniyang mga obra na tinuturing niyang 'Dream House'. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Ang pangarap na bahay ay tila mananatili na lamang na pangarap.
Nang magsimula ang pandemya ay muling sinubok ang kanyang katatagan. Humina ang kaniyang kita, nakakulong sa bahay at walang magawa. Hindi niya inakala na ang isang bilao ng pansit na regalo ng kaniyang mga kaibigan ay ang magbibigay-daan upang maisipan niyang muling magpinta at gumuhit ng mga makukulay na obra.
Sa tulong ng isang Facebook post ng kanyang pamangkin na si Maβam Mary Rose Vergara, isang g**o, kung saan makikitang hawak niya ang kanyang mga ipinintang imahe sa mga bilao, ay agad itong umani ng paghanga mula sa mga kababayaan sa Tagkawayan. Sa kasalukuyan ay nagkapagbebenta na si Mommy Donna ng halagang isang libong piso sa bawat tatlong maliliit na bilao.
Bagamaβt hirap sa buhay, hindi pa rin niya kinalilimutang tumulong sa kapwa. Sa bawat perang kinikita ay pagtulong ang kaniyang ginagawa. Ika nga niya, "hangga't kaya kong tumulong, tutulong ako."
Bilog na bilao. Tulad ng kanyang makukulay na pinta na para bang tunay at may buhay, buhay na buhay pa rin ang kanyang pangarap na magkabahay at nagsisimula sa mga munting sketch sa bilao.
Ang guhit ng buhay ay nakasalalay sa ating mga kamay, gaya ni Mommy Donna na sa kabila ng kapansanan at mga hirap na pinagdaanan ay patuloy pa ring lumalabanat nagiging inspirasyon sa iba, higit sa lahat sa mga kapwa niya artists. Umaasa na isang araw, sa tulong ng kanyang mga obra sa bilao ay mabibigyan ng buhay ang kanyang pangarap na komportableng pamumuhay.
Sa panulat nina: Sunshine E. Bongalos (12-STEM) at Ylsean Mae C. Ibasco (12-ABM)
Sa pananaliksik nina: Johnrey Oliver Delos Santos (12-STEM) at Julie Argel Nuarin (12-GAS)
Sa mga nagnanais bumili ng obra ni Mommy Donna, maaaring magsadya sa kanyang tahanan sa Brgy. Aldavoc o i-message si Maβam Mary Rose Alaon Vergara sa kanyang Facebook account.