16/03/2022
“Anihan”
Masasabi kong hindi biro ang magsasaka. Isa akong anak ng magsasaka at hindi dapat balewalain ang isang magsasakang tulad namin ng dahil dito, dito kame nabuhay, nakapag aral at nakapagtapos sa isang kilalang kolehiyo dito sa Pilipinas, at higit sa lahat nakapagpagaling ng isang may sakit. Nang dahil sa mga masisikap na magsasakang to kaya tayo ay patuloy na nabubuhay at may nakakain sa pang araw-araw pati na rin ang ekonomiya ng bansa.
Ramdam ko ang takot nila sa tuwing mababa ang presyo ng timbang ng palay, lungkot na baka wala silang kita at di mabawi ang puhunan, sakit ng dahil sa bawat sakripisyo nila ay parang bale wala na lang lahat ng pagod na ginugol nila kaya naman sila naman, sila naman ay dapat pakinggan natin.
Zaragoza Nueva Ecija Sta. Lucia Old
Canon EOS M50 | March 2022
para sa ating magsasaka