M A Cabrera

M A Cabrera Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from M A Cabrera, Photography Videography, Tanauan.

02/05/2026

🤤

27/04/2026
27/04/2026

MULING INULIT PO KANINA NI USEC CASTRO; 🤔

Ang nauna na pong pahayag nito, na hindi raw po nanggaling sa Pangulo ang salitang 'arrest' o 'aresto'; 🤔

Pagdating po sa nangyari kumakailan kay MR Zaldy Co. 🤔

Pangatlong post ko na po ito tungkol sa isyung ito, at sana po ay huli na ito. 🤔

USEC Castro, isinama ko na po sa post na ito ang literal na pagkakaiba ng salitang 'arrest' at 'detain', kapag igooGoogle niyo po ang translation nito sa wikang Pilipino. 🤔

Dahil inuulit ko po, bilang mga abugado, alam ko po, at alam rin po ninyo, na magkaiba po ang kahulugan ng dalawang salitang ito, kapag legal na po ang pinag uusapan natin dito. 🤔

Subalit normal lang po talagang ipinagpapalit palit ito ng mga hindi abugado, katulad po ng ating Pangulo. 🤔

At isang maliit at honest mistake lang po ito, at okay lang po ito sa mamamayang Pilipino. 🤔

Ang nagiging problema lang po dito, ay tila dahil sa kagustuhan po ninyong ipagtanggol ng husto ang ating Pangulo; 🤔

Ay imbes na mag mea culpa nalang po, o humingi nalang po ng dispensa kayo sa publiko; 🤔

Ay pinagpipilitan niyo pa pong baguhin ang kahulugan ng mga salitang ito sa ating diksyonaryo. 🤔

Lumalabas tuloy na pati pala bend the dictionary ay uso narin ngayon, at hindi nalang bend the law. 🤔

Hindi po kawalan sa saating pagkatao ang umamin po sa pagkalamali, at humingi ng paumanhin, USEC Castro. 🤔

At kung nahihirapan po kayong gawin ito, magpaturo nalang po kayo kay SEC Jonvic mismo. 🤔

Dahil nakakahiya po talaga, na sa dinami dami ng mga problema sa bansang ito; 🤔

Ito parin po ang inaatupag ninyo. 🤔

Ayan tuloy, mukhang nakatakas na naman si MR Zaldy Co. 🫡





20/04/2026

Sa ilalim ng bandila ng Pilipinas, inilibing si Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani—isang simbolo ng parangal at pagkilala. Ngunit sa kabilang banda, may mga dating lider na hinaharap ang posibilidad ng paghusga sa labas ng bansa, sa ilalim ng International Criminal Court sa The Hague.

Dito pumapasok ang masakit na tanong:
Kung may pananagutan man… bakit kailangang sa ibang bansa pa?
Para sa ilan, hindi pagtanggi sa hustisya ang nais—kundi ang paraan.
“Kung may kasalanan, bakit hindi na lang dito sa Pilipinas litisin? Kahit makulong man lang sa sariling bayan… bilang respeto na rin sa pinagsilbihan at sa mga Pilipinong naniwala.”

Hindi ito simpleng usapin ng tama o mali.
Ito ay usapin ng soberanya, dignidad, at kung sino ba talaga ang may karapatang humusga.
Sa huli, ang larawan ay sumisigaw ng isang realidad:
Isang bansang naghahanap ng hustisya… pero hati sa kung paano ito dapat ibigay.

Ikaw—mas mahalaga ba ang hustisya kahit saan, o dapat sa sariling bansa lang ito ipinaglalaban?

17/04/2026

Address

Tanauan
4232

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when M A Cabrera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share