24/05/2026
Sta. Lucia Falls | Paanan ng Mt. Banahaw
Ang ganda at kapayapaan dito sa Sta. Lucia Falls sa Dolores, Quezon! π Kilala ito bilang banal na lugar at pinaniniwalaang nakagagamot ang tubig galing sa paanan ng Bundok Banahaw.
Totoo ang sabi nila: medyo nakakapagod bumaba dahil sa 267 na hagdan, pero pagdating mo sa baba, mawawala lahat ng pagod mo. Ang lamig at linaw ng tubig, parang yakap ng kalikasan.
Dito mo mararamdaman kung gaano kaganda at kabanal ang lugar na 'to. Sulit ang bawat hakbang!
π Dolores, Quezon