06/03/2024
pa heart po ng mismong picture guyss!! thankyouu
Inso, Reigny Brenzien Q.
hindi ko alam kung bakit at paano
sa tuwing nakakatinginan ay nahihila ako
ng mga titig mong parang hipnotismo
iwasan ma'y nakukuha pa rin ang atensyon ko.
ngayon ako'y nakapikit
sinusubukan at pinipilit
hinihiling na hindi maakit
sa mga mata mong tila tala sa langit
CAPTION :
Dahil sa’yo ay napatunayan kong totoo nga ang kasabihang “Beauty is in the eye of the Beholder”. Sabi nga sa kantang Aphrodite ng The Ridleys, "I see the galaxies when I look in your eyes". At katulad ng mga linyang ito, nakikita ko sa mga kayumanggi mong mata ang lahat ng pangkalawakang ganda. Sa sobrang lakas ng puwersa nito, wala pang sampung segundo ay napapaiwas na ako.
Kaya nga hindi ako naniniwala sa kaisipang bibig lamang ang nakakapagsalita. Dahil paano ko nagagawang makausap ka kahit nakatingin lamang ako sa iyong mga mata? Paano kita nagagawang maintindihan kahit na naglalabanan lamang tayo ng sulyap, sinta? Paanong sa tuwing nakatitig ako sa’yo ay naririnig ko ang boses mo?
Ngunit gaano man kalakas ang paghila ng pwersa, susubukan kong iwasan ang iyong maliit na planeta. Tatakpan ang tenga at ipipikit ang mata. Hanggang sa makakatingin na ako sa'yo nang malaya.