08/02/2026
Sa dulo ng Dangwa, nauubos ang mga bulaklak
ngunit hindi ang dahilan ng pagpunta.
May mga pag-ibig na hindi kailanman naging salita,
may mga sakripisyong hindi na kailangang ipaliwanag,
at may mga paalam na wala nang tatanggap.
Ang mga kamay ay umuuwiโ
minsan may dala, madalas walaโ
ngunit laging may iniwang damdamin sa pagitan ng mga talulot.
At sa lugar na ito, natutunan na ang pag-ibig ay hindi laging maganda, ngunit dapat palaging totoo.