12/03/2026
๐๐น๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ถ๐ฏ๐ฏ๐ผ๐ป ๐๐๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐น๐น๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฒ ๐ง๐ฎ๐๐๐ฎ๐, ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป | ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ญ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Pormal nang pinasinayaan ang bagong Jollibee Taytay Palawan na matatagpuan sa Bagong Taytay sa pamamagitan ng isang Blessing at Ribbon Cutting Ceremony na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang lokal at iba pang panauhin.
Pinangunahan nina Norbert Salvame Lim, Municipal Mayor ng Taytay, Palawan, at Vice Mayor Delma P. Edep ang seremonya bilang pakikiisa sa pagbubukas ng isa sa mga kilalang fast-food chains sa bansa. Nakiisa rin sa nasabing okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department Heads ng lokal na pamahalaan, kinatawan mula sa mga National Government Agencies, at mga opisyal ng Barangay Poblacion. Pinangasiwaan naman ang nasabing programa ng Jollibee Foods Corporation katuwang ang William Tan Enterprises ng Tan Family at dinaluhan ito ng mga panauhin mula sa ibaโt ibang lugar.
Ang pagbubukas ng Jollibee Taytay Palawan sa Bagong Taytay ay inaasahang magbibigay ng dagdag na oportunidad sa trabaho para sa mga residente at magpapalakas pa sa lokal na ekonomiya ng bayan. Ipinahayag din ng mga opisyal ang kanilang suporta sa mga negosyong patuloy na namumuhunan at tumutulong sa pag-unlad ng bayan ng Taytay, Palawan.
Ang nasabing okasyon ay simbolo ng patuloy na paglago ng Taytay, Palawan bilang isang maunlad at masiglang bayan na bukas sa mga bagong oportunidad para sa mamamayan. ๐๐
๐จ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐
๐ถ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐ด๐๐๐๐ 13, 2026, ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-6 ๐๐ ๐๐๐๐๐.