20/09/2021
"wag yan lumang model na yan"
"doble gastos ka lang diyan"
"bulok"
"benta mo na lang ulit yan"
"Bili ka ng mas modelo"
Ang mga salita na madalas namin marinig, oo lahat yan tama, lahat yan totoo. Hindi maiiwasan na sumakit ang bulsa kasabay ng sakit sa ulo. Pero bakit nga ba may mga tulad pa din namin na pinipili ang 90s to 2000 model o kahit anong lumang motor kesa sa mga bago at high technology na motor.? Kasi dahil dito madami kang mararanasan na magdadala ng magagandang ala-ala.
Nandyan yung titirik ka sa kalagitnaan ng gabi at mag tatawag ka ng tropa at may tutulong sayo na kalaunan ay magiging tropa na din.
Magkakaron ka ng karanasan na magkalikot ng mga sira. DIY ika nga ng iba. Maaring 'Do It Yourself' pero madalas ay 'Destroy It Yourself' ang nangyayari. π
Iba ang pakiramdam ng minamaneho mo yung motor na ikaw mismo umayos o nakita mong nabuo(build). iba yung saya nun pangako. π
Ganun din naman sa ibang kagaya natin na MC enthusiast. Bbili sila ng brandnew pero boom pa din sa mga bagong pyesa. π
Respect to all those motorcycle owners and enthusiasts. Lahat tayo ay may kanya kanyang hilig at ideya sa mga bagay bagay, kasi at the end of the day, Project bike pa din yan at hindi matatapos ang gastos π.
-repost(edited)