31/07/2025
𝘽𝘼𝙂𝙊𝙉𝙂 𝙃𝘼𝙆𝘽𝘼𝙉𝙂 𝙉𝙂 𝙎𝙄𝙈𝘽𝘼𝙃𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙇𝘼𝙔𝘼!
𝑺𝒂 𝑰𝒌𝒂- 123𝒓𝒅 𝒂𝒏𝒊𝒃𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒑𝒓𝒐𝒌𝒍𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒈 𝑺𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂 𝑨𝒏𝒈 𝑰𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂 𝑰𝒏𝒅𝒆𝒑𝒆𝒏𝒅𝒊𝒆𝒏𝒕𝒆!
May alaala sa hangin ng dapithapon,
Mga salitang tila kidlat, sa puso'y tumapon.
Ang Iglesia Filipina Independiente ay itinindig, mula sa kalinga ng bayan,
Ang mga manggagawa't mamamayan ang nag hangad ng kalayaan.
Malaya sa tanikala, tinig ng sambayanan.
Noon ay panahon ng pagtatakwil at pagtutol,
Luhang dumaloy sa altar, puso'y gumugol.
Ang sugat ng kahapon, humihingi ng dasal,
Hangaring mapawi ang pait, matamo ang dangal.
Noong Augusto tres isang libo't siyam na daan at dalawa Itinatag na malaya sa diwa ng mga kapwa't Pilipino,
Pagtingkad ng sariling tinig, paglaya sa dayuhan.
Ngunit sa diwang ito, may kirot na naiwan,
Pagkahiwalay ng loob, paglimos ng kapatawaran.
Ngayo'y ang panahon na ng pagninilay,
Hindi para magtalo, kundi para humimlay.
Hilumin ang sugat, yakapin ang hibla ng pagkakaisa,
Dahil iisang layunin ang tunay na dakila.
Ang Diyos ay di namimili ng sambahan o sulo,
Ang mahal Niya'y ang puso, tunay at buo.
Bawat misa, bawat awit, bawat panalangin,
Ay alay sa Langit, hindi sa tunggalian.
Iglesia Filipina Independiente, simbahang malaya
Ngunit sa puso’y may pagkiling sa kapwa.
Simula ng panibagong kabanata,
Pagyakap sa kapatiran at sa kabila ng pagkakaiba.
Hindi pagkakahiwalay ang dulot ng kasaysayan,
Kundi pag-unawa sa paglalakbay ng pananampalataya’t bayan.
Ang Romano man o Malaya, pare-pareho ang mithiin:
Ang makapagsilbi sa Diyos, maging man sa ating kapwa.
Kaya’t sa tulang ito ay isang panibagong umaga,
Hayaang ang galos ay maging alaala.
Hindi upang muling saktan,
Kundi upang paalalahanang maaari tayong magkaisa't magmahalan.
Ang altar ay bukas, ang panalangin ay sama-sama,
Ang simbahan ay tahanan, hindi larangan ng digma.
Sa puso ng bawat anak ng Diyos, may lugar ng kapatawaran,
Tulay ng pag-ibig sa dating bangin ng hidwaan.
Ngayo'y simula ng tinig ng pagkaka-kawing,
Di na sa luma, kundi sa bagong awitin.
Ang Iglesia'y buhay! Malaya at, mapagpakumbaba,
Naglalakbay sa ilaw ng Diyos, kasama ang lahat, hindi nag-iisa.
Mabuhay Ang Simbahang Malaya! Mabuhay Ang IFI!
Pro-Deo et Patria!
Para sa Diyos at sa Bayan!
-Tinig ni Pitik ni Brother alay sa Simbahang Malaya.